It felt as if time had stopped, and that the only people in the venue were us—me, Mommy, and Francisca. “Anong sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Francisca habang sapo-sapo ang kanyang kanang pisngi. Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang pandilatan niya si Mommy. “Ang kapal talaga ng mukha mong pumunta rito,” punong-puno ng galit ang boses ni Mommy. Parang kahit anong bukadkad ng isang bulaklak ay agad titiklop sa tono ng kanyang pananalita. “Do you really think you can destroy our family with your petty tricks?” “Aalis na kami,” mariing saad ni William bago niya hinawakan sa magkabilang braso si Francisca at iginiya palabas ng function room. “Itikom mo na ang bibig mo,” sabi pa nito sa asawa. Ngayon ko napagtanto na kaya siya nagmamadaling magpunta sa Bloomfields ay dahil gus

