Kahit ilang taon pa ang lumipas, nakatatak na sa isip ko ang itsura ni Francisca kaya imposibleng magkamali ako. That night when I saw her kissing my father, I knew then that I wouldn’t be able to forget her. How could I? When she’s one of the reasons behind my ruined childhood. Oo’t nagkaedad na ito pero bukod sa bakas ng katandaan, walang pinagbago ang kanyang mukha. Mestiza ito, may kaliitan ang mukha, bilugan ang mga mata, manipis ang halos patusok na kilay, matangos ang ilong, at makapal ang labi. Papasa siyang pornstar noong panahon niya. Hindi sila hawig ni Richelle kaya siguro hindi ito nagmana sa kanya. Pwede nilang ipagkailang magkamaganak sila. Ang alam ko ay pinaghahahanap na ng mga pulis ngayon ang mga magulang ni Richelle ngayon - hinahanap na ng mga awtoridad si Franci

