Cane pov "T-tama na.. ako ang may kasalanan sa nangyari sa anak ako. I am to blame! Ako ang hindi naging mabuting ama! please tama na, noon ay umiyak ang anak ko dahil sa ginawa ko huwag n'yo na siyang paiyakin ngayon.. I am S-sorry please anak I'm sorry.... ako na ang aalis .." I sigh hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ng ama ko hindi ko alam na andon lang siya sa tabi ko ng mga oras na 'yon. Ewan ko kung papaniwalaan ko ba o kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Ang tagal ko kasing ininda ang mga masasakit na salitang ibinigay nito sa'kin at ngayon he said those words na noon ko hinintay na masambit niya pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang P-papa? Pero 'yung mga sinabi ni Raven ay patuloy akong ginagambala. Para akong baliw na nag-iisip kung bibigyan ko na ba ng chance

