Scarlett pov After 3 years "Ate okay na po ang lahat nasa ayos na po." Hinawakan ko ng mahigpit ang mahabang stick na ginagamit ko para maayos akong makapaglakad at maramdaman ko ang mga bagay-bagay sa paligid "Salamat Anne, nurse na nga kita pati ba naman secretary?" I tease while she guide me in walking hanggang makaupo ako ng maayos sa upuan. "Naku ate huwag na riyang magdrama kung hindi naman dahil sa'yo baka nasa lansangan pa rin kami ngayon ni lola at baka hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral." Narinig ko ang mga ingay na gingawa nito nagtataka man ngunit hindi na ako umangal at nagtanong. "Anne alam mo naman na isa na akong bulag ngayon ni wala akong magawa kundi umupo at dumepende sa inyo ewan ko na lang kung anong mangyayari sa'kin kung wala kayo." Ang lola kasi nito ay ang

