Nang makarating si Kylie sa airport ay hindi na siya nagdalawang isip pa na hindi uuwi sa kanila. Hindi na niya hihintay si Dessa na sana ay magkikita sila dito. Pinatay niya rin ang cellphone niya dahil tumatawag naman si Stephen. Ayaw makita o makausap naman ni Kylie si Stephen dahil sa sobrang nasaktan siya. Habang naghihintay si Kylie ng kanyang flight ay humahagolhol siya ng iyak dahil sa mga nakita niya. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan pa siya ng ibang tao dahil ang sakit lang na nararamdaman niya ang naisip niya. Bigla siyang napahawak sa ulo niya dahil bigla itong sumakit. Kaya binuksan niya ang backpack niya at kinuha agad doon ang gamot niya. Medyo na wala na ang sakit ng ulo niya pero ang sakit sa puso niya ay hindi ma wala wala. "Bakit ba nangyayari s

