Chapter 59 Nakabalik na ako ng Manila together with my son and my loyal maids. As planned by my husband ay tumira kami sa malaking bahay ng mga Altamerano sa Quezon City. Hindi hamak na mas malaki ang bahay na ito sa mansion ko sa Tagaytay. There are more rooms and it is a lot more spacious. Ang living room pa lang ay doble na ng living room ko, maging ang kitchen and dining area. This place has its own gym, a library, a music and entertainment room plus a mini swimming pool at the top floor aside from a pool at the back garden. Pinagsama rin ni Christian ang dalawang rooms to make it a nursery room for Junior. Malaki, as in malaki ang bahay na ito kaya hindi na ako nagulat ng mabanggit sa akin ni Christian kung ilan ang mga maids na nakatira dito noon. Yes! All their maids are gone. Tul

