Chapter 35 Pinigilan ko ang sarili ko sa abot ng aking makakaya na huwag patulan si Caroline, pero below the belt na ang mga sinasabi niya sa akin. At bilang ako, hindi ako makakapayag ng ganun kahit pa sabihin na nasa sosyalan ako. Mabuti na lang ay biglang dumating si Christian dahil kung hindi at naunang nanakit si Caroline, hindi ako mangingiming gantihan siya. Ang tigas rin ng apog ng isang yun. Kung makalait ay akala mo malinis siya. Eh kasing baho niya yung imburnal sa may amin. Pasalamat na lang siya at nagkita kami sa birthday ni Christian, dahil kung sa ibang lugar kami nagkita at ganun ang mga binanat niya sakin, may pagkaka-lagyan siya sa akin. Hindi ako lumaki sa squatters area ng wala lang. Palaban yata ito. Baka akala niya ay masisindak niya ako sa english niya, marunong

