Chapter 50 Hanggang sa huling hantungan ng nanay ni Christian ay dumalo kami ni Francis, sumama rin sila Lorenzo at Liezel upang ipakita ang kanilang pakikiramay sa mga naiwan ng ginang. Napaka-lungkot ng atmosphere habang nagdadasal ang pari. Tahimik lamang ang mag-ama pero bakas sa kanila ang pagdadalamhati, si Caroline naman ay umiiyak habang tangan ang isang puti rosas. Marami rin ang dumalo sa libing, marami talagang nagmamahal sa yumao. Naalala ko tuloy ng namatay ang nanay at tatay ko. Hindi man ganito kagarbo ang pagtitipon at wala man maraming nakipaglibing ay ganitong-ganito rin ang katahimikan at bigat ng paligid. Hindi ko maiwasan na mapaluha nang binababa na ang kabaong, halos parang gusto ng sumama ng ama ni Christian sa asawa at halatang-halata sa kanya ang matinding lung

