Chapter 84

1783 Words

Chapter 84 Nilabas nila ako sa kwarto kung saan nila ako kinulong. Piniringan ulit nila ang aking mga mata at saka ginapos ang aking mga kamay sa likuran ko. May dalawang kamay na nakahawak sa magkabilang braso ko habang ramdam ko na may mga kasunod rin ako bukod pa kay Caroline. Alam ko kung saan kami patungo. Narinig ko kanina ang usapan nila Caroline at Christian. Batangas City Pier. Kaya malamang ay doon nila ako dadalhin ngayon, na doon ang destinasyon namin. Pagsakay ng sasakyan ay naramdaman ko na may mga katabi ako pero hindi ko narinig ang boses ni Caroline. Nakikiramdam lang ako habang nasa byahe kami. Matagal-tagal rin ang nilakbay namin bago huminto ang sasakyan. Walang nagsasalita, ni wala akong marinig na kahit anong ingay. Tahimik lang ang mga kasama ko na ipinag-tataka ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD