Chapter 65 Kahit hindi ako sanay sa kalakaran ng paghawak ng isang established na negosyo ay pinag-aralan ko ito dahil walang ibang hahawak ng naiwan ni Francis kung hindi ako. Isa pa ay may ilang tauhan si Francis na umaasa sa mga trabaho nila, hindi ko sila pwedeng pabayaan dahil katulad ko ay may mga pamilya rin silang binubuhay. Pumasok na ako, hindi ako masasanay sa mga kailangan kong gawin kung hindi ako papasok. Mabuti na lang ay naka-alalay sa akin si Tita Mary-ann, siya ang naging gabay ko at personal na nagturo sa akin kung paano patakbuhin ang negosyo ni Francis. Sa loob ng ilang araw na sinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral ay medyo nagamay ko na ang mga dapat kong gawin. Hindi naman ako baguhan sa negosyo ni Francis kaya hindi ako hirap na pakisamahan ang ibang empleyado. P

