Chapter 39 Hindi ko alam kung bakit napakabait sa akin ni Francis. Hindi lang siya nag-presinta na tutulungan ako, bago pa niya ako hinatid sa bahay ay pinag-grocery niya muna ako ng mga stocks, vitamins at mga prutas na kakailanganin ko daw kahit pa todo ang pagtanggi ko. Hiyang-hiya nga ako habang nasa grocery kami dahil bawat hilera ay dinaanan namin at kuha lang siya ng kuha ng sa tingin niya ay kailangan ko. Kulang-kulang sampung libo ang ginastos niya sa pinamili namin kaya sobra ang hiya ko talaga sa kanya. Nagpatulong siya kay Lorenzo sa pagpasok ng mga binili niya para sa akin at sa bahay, hindi niya ako hinayaan na magbuhat ng kahit na magaan na plastik. Nalula rin ang mga kapatid ko sa dami at halos nag-siksikan sa maliit naming bahay ang kahon-kahon ng mga groceries. “Maramin

