Chapter 90 Buntis ako. Buntis ako ulit at ng nalaman ko ang tungkol dito ay hindi na ako nagulat pa dahil mula naman ng makalabas si Christian sa ospital at medyo gumaling na siya ay halos sunod-sunod na may nangyari sa amin. Hindi rin siya gumamit ng proteksyon tuwing ginagawa namin yun kaya alam ko sa sarili ko na hindi imposibleng mabuntis niya ulit ako. Kaya nga ng nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko ay agad akong nagpa-konsulta sa doktor. Wala naman akong pagsisisi na nabuntis ulit ako dahil mahal namin ni Christian ang isa’t-isa at magpapakasal na kami. Isa pa ay gusto na talaga niyang sundan namin si Franco matagal na, bago pa nangyari ang delubyo sa amin na gawa ni Caroline. Ayoko pa nga lang sabihin kay Christian ang tungkol dito dahil ilang linggo na lang ay kasal na namin

