Chapter 22 The happiness I am feeling now is beyond explanation. Masaya ako na magkaibigan na ulit kami ni Liberty, masaya ako na tinanggap na ulit niya ako na maging kaibigan niya. What I feel is something that I can’t explain. Basta iba at masaya ako. Hinatid ko siya sa kanila at ganun na lang ang gulat ng kapatid niyang si Liezel ng makita ako na pumasok sa bahay nila. Nasabi ko sa kanya na bati na kami ng ate niya at nakita ko naman na masaya rin siya, pero kasama ng saya na nakita ko sa mukha niya ay may hindi ako maipaliwanag na reaksyon na nakita pa. Parang pinaghalong pag-aalala at pangamba ang nakita ko na nagtatago sa kanyang mga mata. Gusto ko sana siyang tanungin ng lumabas sandali si Liberty pero nahiya naman ako dahil baka sabihin ay nakikialam ako or nagiging sobra akong

