Chapter 52 Hindi ko na binanggit pa kay Christian ang tungkol sa nangyari sa amin ng asawa niya. Ayoko na lumabas akong sumbungera at ayoko rin bigyan pa ng dagdag na isipin si Christian. Yung pinagdaanan niya sa ina niya tapos itong ngayon na nangyari naman sa ama niya ay pihadong mabigat na sa kanya kaya as much as possible ay ayoko ng dagdagan pa yun. Nag-dahilan na lang ako ng tanungin niya ako sa text kung bakit hindi ako nakadaan sa burol ng ama niya na usapan namin. Sinabi ko na lang na sumama ang pakiramdam ko, pero nangako ako na sa libing ay pupunta ako. Nakabalik na si Francis mula sa ibang bansa at kagaya ko nung una ay na-shock rin siya ng binalita ko sa kanya ang nangyari. Labis rin siyang nalungkot dahil hindi na iba si Christian sa kanya at maging ang mga magulang nito.

