Chapter 7 : What's A Class Evaluation?

4240 Words
JARED'S POV "Kamusta na po sila Master Fiora?" tanong ko kaagad kay master Fiora nang lumabas siya mula sa kwarto kung nasaan nagpapahinga sina Rain. "They're fine now iho. Nagpapahinga na sila ngayon." Ngumiti sa'kin si Master Fiora. "Thank goodness," Naeri sighed in relief beside me. "Thank you so much, Principal MJ and Master Fiora," magalang na sabi ni Hiro and he bowed down to show his gratitude. Soon, the three of us were bowing down and showing our gratitude to the master and the principal. Kinuyom ko ang mga kamao ko. If only I had gone to Principal MJ the day their magic got rampant. Hindi sana ito aabot sa ganito, hindi sana sila mahihirapan ng ganito. Damn it! Wala akong silbi! Tama nga si Hiro. Sana talaga sinabi ko na kaagad kay Principal MJ ang tungkol sa nangyari kina Sean. "Hey," lumingon ako kay Hiro nang tinawag niya ako. "I'm sorry kung pinagtaasan kita ng boses kanina," Hiro whispered to me while looking at the ground. Umiling ako. "No, Hiro. Tama ka. Ako ang may kasalanan—" "Look Jared, you did what's best for our friends right? Iyon ang importante. So, kalimutan na natin ang nangyari kanina," seryosong sabi ni Hiro at hindi ko na napigilan ang ngumiti sakanya. "Okay." And we shook our hands. "When did this happened?" rinig kong tanong ni Principal MJ kay Naeri. "It happened at night on the day when Miyo's fire magic got out of control," I heard Naeri answer. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko ang isa sa mga miyembro ng council at si Master Fiora pa talaga, ang fairy master of healing. Kilala ko ang mga tao na bumubuo ng council ngunit hindi ko pa sila nakita sa personal. This is my first time meeting one of them and it's making me nervous. The council is known to be higher than the principal and the teachers and they're pretty strict when it comes to the learnings and controlling the magic of the students— "You're Jared? am I right?" I gulped. "Y-Yes, Master Fiora." Crap, I'm the president of the class! I should act like one and not act like a coward! "Wala ka bang napapansin na kakaiba sa tatlong ito?" tinuro ni Master Fiora sina Rain. "Bukod sa pagwawala ng kanilang mga mahika at ang pagsabay ng bagyo sa kanilang pakiramdam ay wala na po," paliwanag ko at tumango si Master Fiora. "Gano'n ba?" nagkatinginan sina Principal MJ at Master Fiora. "Tapos na ang trabaho namin dito. Aalis na kami dahil babalikan pa namin sina Miyo at Aya. Bantayan niyo sila ng mabuti," sabi ni Master Fiora sa amin at umalis na sila ng basement. Binuksan ni Naeri ang kwarto at nakita namin na nagpapahinga na nga ng maayos sina Sean. "Damn, akala ko hindi na ako makakahinga ng maayos," humahangos na sabi ni Hiro at nilagay niya ang isang kamay niya sa kaniyang dibdib, tila pinipigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya. "Hindi biro ang presensiya ng isang master. Paano nalang kaya kung silang lahat pa ang nakaharap natin kanina?!" sumandal si Naeri sa pader ng kwarto. "Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako. Paano nakausap ni Miyo sina Rain? Sa pamamagitan ba ng c***k? Hindi ba't gagana lamang ang c***k kapag gising ang tao?" naguguluhan na tanong ni Hiro. "It's still a mystery kung paano iyon nagawa ni Miyo but what's important right now is that Rain, Sean and Daryl are fine—" "Oy! Could you lower your f*****g voices?! May nagpapahinga dito! Tch!" "Daryl?!" sabay naming sabi dahil sa gulat. This is a surprise! Daryl is awake now and it's all thanks to Master Fiora and Principal MJ. Kaagad naming nilapitan si Daryl na ngayon ay nakabukas na ng konti ang mga mata. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa aming tatlo. "Man! I'm glad you're awake now!" masayang sabi ni Hiro kay Daryl habang nakangiti. "Of course I am awake now! Sino ba ang hindi magigising kung may mga maiingay na tao ang nakapaligid sa'kin?" Daryl rolled his eyes at hindi ko na napigilan ang tumawa. He's really Daryl, alright. The sarcastic, cold and straighforward, Daryl George. Masaya ako dahil ayos na siya. "Cripes! Bakit ba ang ginaw dito? Nasaan ba ako?" kunot noo na tanong ni Daryl sa amin. "Nasa basement tayo ng dorm. Dito namin kayo dinala dahil baka makapinsala kayo kung mananatili kayo roon sa kwarto niyo," paliwanag ni Naeri.l sakaniya. Hinubad ko ang hoodie na suot ko at saka ito inayos. "Here, wear this." pinahiram ko kay Daryl ang hoodie ko dahil alam ko na mas kailangan niya ito. "Thanks pres," nanginginig na sabi ni Daryl at saka sinuot ang hoodie ko. "Nasaan ang iba?" he asked. "Nasa itaas sila. Don't worry, nag-c***k ako sakanila at sinabi na ayos ka na but you can't see them all at once right now. Principal MJ and Master Fiora told us to visit you guys in small groups para maiwasan ang gulo at istorbo," paliwanag ni Naeri at nakita ko kung paano nagulat si Daryl. "Hold on, wait, did you just say Master Fiora?"—Daryl blinked his eyes repeatedly—"T-The Master Fiora from the council?" paniguradong tanong niya. Tumango naman ako. "Yes, Daryl. Siya nga." Umawang ang bibig ni Daryl. Dahil sa gulat niya ay hindi na siya nakapagsalita pa. He ran his hands through his messy hair and then massaged his chin awkwardly. Mukhang hindi ako nag-iisa. Meeting one of the council members is really a privilege as a student of Silverwest Academy. "You guys are not kidding right?" tanong ulit ni Daryl at umiling kami. "Hindi nga rin ako makapaniwala kanina nang nakita ko siya," sabi ni Hiro at tumawa ng mahina. "Dude sana ginising niyo ako! Damn! I lost the opportunity to meet her! So? Is she pretty? Is she hot?" sunod sunod na tanong ni Daryl and I saw how Naeri cringed in disgust. Pati ako ay ngumiwi rin. "Daryl! She's not a teenager for pete's sake! She's an old woman—the hell!" Naeri was still cringing. "She was pretty, Daryl, and she was so intimidating," sabi ko nalang para tumahimik na si Daryl. If I remembered it correctly, Master Fiora was the youngest of all the council members and Daryl might have mistaken her for a teenager dahil hindi niya pa ito nakita sa personal. "Oh,"—kinamot ni Daryl ang batok niya—"she was pretty young in the pictures though," sabi niya at yumuko upang itago ang namumulang mukha niya. "Dude! Those pictures were taken when we were around four years old! Matagal na yon!" tumatawa na sabi ni Hiro at hindi na rin namin napigilan ni Naeri ang tumawa. "Well, this is embarrassing."—Daryl sighed—"By the way, kamusta si Miyo?" biglang tanong ni Daryl na ikinatigil namin. Muntik na naming makalimutan si Miyo. "She's okay. Nagpapahinga siya ngayon sa infirmary kasama si Aya." Naeri shifted uncomfortably on her spot. Kumunot ang noo ni Daryl. "Nagpapahinga kasama si Aya? Bakit? Ano ang nangyari kay Aya?" I raised a brow. Hindi nga pala alam ni Daryl ang nangyari kay Aya. I sighed and spoke, "Aya had an augury and just like you, she also lost control of her magic but she's okay now dahil pinagaling na siya ni Master Fiora." "Hey Daryl, pa'no niyo nakausap si Miyo? Master Fiora told us that you asked help from Miyo through your mind which means that you used the c***k, right?" tanong ni Hiro kay Daryl. Bumuntong hinga si Daryl at ginulo ulit ang buhok niya. "Hindi kami gumamit ng c***k—Aish! I don't know what really happened cause the last thing that I remembered was Miyo appearing inside my mind and she was enveloped in fire and her eyes were glowing red while looking at the three of us," ani Daryl at nilingon niya sina Rain at Sean. "Now that is what I call a mystery," rinig kong sabi ni Naeri. "Come on guys," sabi ko sa mga kasama ko. I need to let Daryl rest. He may be awake but he is still not in good shape. "Aalis na tayo?" Hiro asked. Tumango ako. "Daryl needs to rest. We can visit him again tomorrow," sabi ko sakanila. "Jared, can you tell Mary to come down here? Medyo masakit pa kasi ang ulo ko. Ipapatingin ko lang sakaniya," sabi ni Daryl. "Sige, sasabihin ko iyan sakaniya." tumango ako at lumingon kina Naeri. "Let's go." HUNTER'S POV Binalik ko sa cabinet ang lalagyan ng peanut butter matapos kong lagyan ang tinapay ko. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari kanina ay nakaramdam ako ng matinding gutom. Hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na nakita ko si Master Fiora sa personal. Kahit malayong malayo ang mukha niya sa mga litrato na nakikita ko sa mga libro ay ang ganda pa rin niya. "Tol, baka nakakalimutan mo na matanda na yon," rinig kong sabi ni Uriel na naging dahilan upang bumalik ako sa sarili ko. Stupid c***k. Binabasa na naman ng hayop na'to ang isip ko. "Pwede ba? Huwag mo nga basahin ang nasa isip ko! Privacy tol," naiinis kong sabi kay Uriel na ngayon ay nakaupo sa kitchen counter habang kumakain ng saging, hindi nakaligtas sa'kin ang gumagalaw na buntot niya. Tch, ibang klase rin ang hayop na'to. Saging na nga ang kinain, magpapalit anyo pa bilang unggoy. Ah, Uriel and his animal transformation. "Hindi ko napigilan ang sarili ko eh. Lalo na't ang laman ng isip mo ay si Master Fiora lang." Humagalpak sa tawa ang unggoy. "Hoy! Hindi iyon ang iniisip ko!"—ngumiwi ako at kinain ang tinapay ko—"Sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala na nakita ko siya mismo sa personal." bumuntong hinga ako. "Ako nga rin eh. Hindi na ako magugulat kung bakit kilala niya si Miyo. Bigatin ang lolo ni Miyo eh," sabi ni Uriel at saka niya biglang kinuha ang tinapay ko na siyang ikinagulat ko. "Hoy! Akin yan—" hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil kinain na ni Uriel ang tinapay ko. Ang laki pa non tapos nagkasya yon lahat sa bibig niya. Unggoy talaga! Tch! Tinapik ako ni Uriel sa balikat at ngumisi. "Salamat tol ah. Nabusog talaga ako," sabi niya at naglakad na siya papaalis ng kusina. "Aish! Leche ka Uriel!" inis kong sigaw at narinig ko siyang tumawa. "Labyu tol!" sigaw ni Uriel mula sa sala. Tch, kainis. Kinuha pa talaga ang pagkain ko. "Oh? Ba't ka nakanguso diyan?" Diana chuckled at me saka niya binuksan ang cabinet at kumuha ng isang bag ng chips. "Wala," nakanguso kong sabi. Ayokong sabihin kay Diana na naiinis ako dahil kinuha ni Uriel ang pagkain ko. She'll laugh at me for sure. "Wala? Weh? Hindi ako naniniwala," sabi ni Diana at binuksan ang chips na hawak niya. Umiwas ako ng tingin. "Si Uriel kasi, gutom na gutom na nga ako tapos kinuha pa niya ang pagkain ko." I rolled my eyes at kumuha nalang ng chips mula kay Diana. "Ah, hayaan mo na yon. Patay gutom yon eh," sabi niya at tumawa. "Hello Jost!—Omo! Carl! Good to see that you're fine now!" Jost? Nandito ang mga scouts sa dorm? Nagkatinginan kami ni Diana dahil sa narinig namin mula sa living room. I shrugged at naglakad palabas ng kusina. I heard Diana follow me from behind. Pagkalabas ko ng kusina ay nagtama ang tingin namin ni Carl. "Yo Hunter! Kamusta!" masayang bati ni Carl sa'kin nang nakita niya ako. Tumaas naman ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Carl. "Shouldn't I be the one who's supposed to say that to you?" I tried to suppress a smile. "Aw come on man," tumatawang sabi ni Carl and he gave me a bro hug kaya niyakap ko na rin siya. I'm glad that he's fine now. "Are your injuries all gone?" tanong ko sakaniya. "All gone and all right." Ngumiti siya. We took a seat on the couch kasama sina Jost at Mark. Hindi ko nakita si Angel, mukhang binabantayan niya siguro si Aya sa infirmary kasama sina Mary. "Jared saan ka pupunta?" lumingon ako kay Cally na kinakausap ngayon si Jared. Whoa? Where's Jared going? Why is he in such a hurry? "Kailangan kong puntahan si Mary sa infirmary. Daryl's awake now and he's looking for Mary," nagmamadali sabi ni Jared at nagulat ako. Gising na si Daryl? Really?! Kanina lang nag-c***k si Naeri na ayos na siya but she didn't tell us na gising na siya. "Gising na si Daryl? Pwede ba namin siyang bisitahin?" tanong ko at tumango si Jared. "Yes, you can visit him but three people at a time. Principal MJ told me to not visit in huge groups. I'll be going now." Matapos sabihin iyon ni Jared ay lumabas na siya ng dorm leaving us in chaos dahil sa balita na gising na si Daryl. "Okay! We're visiting Daryl first!" sigaw ni Nilus kasama sina Van at Alia and the next I knew was that they were now out of my sight. Tanging ang mga alikabok nalang nila ang naiwan. "Whoa, that was fast," rinig kong sabi ni Carl na nakaupo sa tabi ko. "So, are you guys done shaping up for the class evaluations?" napalingon ako kay Jost matapos niya iyong sabihin. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Class evaluations? Ano yon? Ngayon ko lang narinig yon ah. Pati ang mga kaibigan ko ay naguguluhan na rin dahil sa sinabi ni Jost. "Class evaluations? Ano ba iyang sinasabi mo?" tanong ni Celeste habang kumakain ng yogurt. "Ngayon ko lang narinig yan," sabi ko kay Jost. "Performance project ba yan?" tanong ni Neon kay Jost. "Class evaluations? Hindi niyo alam yon? Impossible, everyone knows about the class evaluations!" Jost raised a brow in disbelief. Nanatili lang kaming nakatingin kay Jost at walang nagsalita ni isa mula sa amin. Ano naman kaya ang class evaluations? Sana hindi iyon written exams. I really suck at written exams lalo na kapag essays. Katamad kasi magsulat—hehe, just kidding. "Jost, nakalimutan yata na iba ang Naryena sa ibang mga sections dito sa Silverwest," paalala ni Carl kay Jost and I saw how Jost slapped his forehead when he realized what Carl had just said. "Shoot! Oo nga pala." Umiling si Jost at kinamot niya ang batok niya. "Why? What's wrong?" tanong ni Galia. "Baka nasa misyon sila noong sinabi ni Principal MJ ang tungkol sa class evaluations," rinig kong sabi ni Mark. "Bakit? Ano ba iyang class evaluations na sinasabi niyo?" tanong ko sakanila. "Hunter, ang class evaluations ay isang importanteng paligsahan dito Silverwest Academy. Ginaganap ito every year. It's an event where the whole class should participate and fight for the 'strongest class' title and it actually happens every second semester of the school year," paliwanag ni Jost. "Every second semester?!" hindi makapaniwalang sabi ni Carter. "Of the school year?!" dagdag ni Uriel at nalaglag ang panga niya. "Kaya pala wala tayong alam tungkol sa class evaluation na yan dahil wala tayo dito sa academy tuwing ginaganap iyon. Halos tuwing second semester ay nagkakaroon tayo ng mga misyon at ngayon lang nangyari na wala tayong mission this second semester," sabi naman ni Diana. "Please tell us more about this," I heard Naeri say. Oh, mukhang interesado si Naeri. "Okay, so the class evaluations are like exams but they are performance exams that examines the magic of a student and the strength of a class. The class evaluations comes in two exams which are: the individual test and the teamwork test," paliwanag ni Mark. "The individual test needs only one student representative per one class at maglalaban sila sa kapwa representative nila from the other classes of the same year and from the classes of different year levels," paliwanag ni Jost. "So in the individual test ay dapat yung pipiliin natin ay malakas talaga at siguradong panalo sa laban," sabi ni Uriel. "Well, you can say it that way," sabi ni Mark. "But isn't that too tiring? I mean, isang representative tapos kakalabanin niya ang lahat ng mga representatives coming from the different years and from our year," sabi ni Celeste. Oo nga, hindi kaya nakakapagod at mahirap yon? Thinking about it makes me want to leave the school and sleep all day. "Hindi naman kailangan ng representative niyo na kalabanin ang lahat. I think the teachers are going to shuffle the names and the representatives are going to have three battles against three different opponents," paliwanag ni Carl. "Oh, well that's more fair, I think," mahinang sabi ni Cally. "Sa teamwork test naman, the team should consist of five to seven members and they need to defeat the enemy which comes from the other class of the same year. The enemy should be eliminated not one by one but by group," dagdag ni Mark. "What you're meaning to say is that we need to eliminate the enemy all at the same time?" paniguradong tanong ni Neon. "Exactly." Jost snapped his fingers. "Well, if that happens, paano naman?" tanong ni Carter. "Sa teamwork test, maglalaban kayong lahat niyan sa isang malaking open field na may mga borders. To secure victory, dapat team work talaga kayo in the field and you need to think of a strategy to eliminate your enemy at mailabas sila sa mga borders ng sabay," paliwanag ni Carl. "The heck? Bakit ang hirap?!" Clyde messed up his hair. I agree, habang iniisip ko ang mga sinabi ni Carl ay nahihirapan na akong mag-isip ng strategy kung paano maipalabas ng borders ang mga kalaban ng sabay. Hay, aalis nalang talaga ako ng academy at matulog ng magdamag para walang stress at chill lang. "It's not an easy fight guys kaya I suggest na magtraining talaga kayo ng husto," ani Jost. "We haven't even decided kung sasali ba kami," sabi ko sakanila. What if magkakaroon kami ng panibagong misyon? Hindi pa rin kami makakasali ng class evaluations. "Dude, it's not by decision. It is a must na sumali sa class evaluations dahil grades ang kapalit non at isang titulo na gusto makuha at maangkin ng lahat!" Jost crossed his arms while looking at us seriously. "Well s**t," Carter cursed and he messed up his hair in frustration. "Besides, tingin ko wala kayong misyon ngayon dahil sa mga nangyayari. I know Principal MJ is worried right now and she's not going to take the risk to let you guys go on a mission while there are some problems going on." Carl leaned on the couch. "Last year,"—Naeri took a seat next to me—"which class was given the title of the 'strongest class' here in Silverwest?" tanong ni Naeri. Nagkatinginan muna sina Jost bago sumagot, "Cromdor." I almost choked down my own saliva when I heard their answer. Cromdor? After how many years of studying here in Silverwest Academy ay ngayon ko lang nalaman ito. No doubt why those guys are so proud of themselves. Kaya pala ang yabang at ang taas ng tingin nila sa sarili nila. "Cromdor? Really?" Naeri scoffed in disbelief. "Kaya pala ang yabang ng mga Maydoom na yon," Clyde shook his head down, hindi makapaniwala dahil sa narinig niya. "Cromdor? You're kidding right?" Diana asked at umiling si Mark. "We were there last year when the class of Cromdor was given the title of being the strongest class," sabi ni Mark. "And the students of Cromdor last year are now the students of Maydoom. How wonderful," sarkastikong sabi ni Naeri. Last year noong mga Mediants pa kami o mga third year students, ang mga estudyante ng Maydoom ang bumubuo ng Cromdor. Ang Verwick ang bumubuo ng Bostein at kami naman, ang Naryena, ang bumubuo ng Oxfrost. Hindi namin alam ang tungkol sa pagkapanalo ng Cromdor sa class evaluations dahil nasa misyon kami noon. That's why hearing about this news right now made me surprised. "Hindi na ako magugulat kung bakit mataas ang tingin ng Maydoom sa mga sarili nila," sabi ni Galia. "Sumali rin ba kayo sa class evaluations?" tanong ko kina Jost. Umiling si Jost. "We, the scouts, are in-charge of the security and safety of the students." "Oh." Kumurap ako. Sabi ko nga hindi sila kasali sa class evaluations pero buti pa sila, chill lang. "But the class of Bostein was there. Sa pagkakaalala ko ay nasa second place sila. They got ninety-three as their total score," dagdag ni Jost. "Wow, so may total score pa pala?" Neon was surprised. "Yeah. The total score is the sum up score of the individual test and the teamwork test," paliwanag ni Carl. "Damn, akala ko makakatulog na ako ng mahimbing," reklamo ni Uriel. "Kailan ba ang class evaluations?" tanong ko kay Carl. "I'm not sure. Siguro next month?" Carl shrugged. "Well kung ganon, we still have time to train." Clyde stood up from his seat. "Heads up lang guys," biglang sabi ni Jost kaya napalingon kaming lahat sakaniya. "What is it?" Naeri asked. Tumikhim si Jost. "Ngayon na malapit na ang class evaluations, mainit na ang tingin ng mga klase sa isa't isa. You have to be careful of Maydoom. They have trump cards under their sleeves at sa lahat ng mga laban nila na nakita ko ay hindi maganda ang nagiging resulta kapag makakalaban mo ang isa sa mga trump cards nila," seryosong sabi ni Jost. Trump cards? Are they like the special characters or special students of their class? Kinabahan tuloy ako. "Kilala mo ba ang mga trump cards ng Maydoom?" Hiro suddenly asked. "I'm sorry. Hindi ko sila kilala but I am familiar with their faces though. Sigurado ako na kapag nakita niyo sila ay hindi niyo aakalain na mga trump card sila ng Maydoom," ani Jost. "With trump card or with no trump card, dapat magtraining pa rin tayo. That's the only way to our victory," seryosong sabi ni Naeri. Yeah, I agree. "I think the time has come for us to prove ourselves to everyone that we are not weak and vulnerable," sabi ni Galia. "Yeah." Ngumiti ako kay Galia. Biglang bumukas ang pinto ng dorm at pumasok doon sina Mary, Jade at Kris and what made me frozen on my seat was Jared. "Jared..." I couldn't believe it. What happened to him? Ayos pa naman siya kanina nang umalis siya. "Oh my god! Ano'ng nangyari kay Jared?!" Celeste shrieked in shock. "Mamaya na ang tanong! Tulungan niyo naman kami dito!" Kris was now annoyed. "Come on guys! Help us carry Jared towards his room! He needs to be healed right now!" nagmamadaling sabi ni Mary. Napansin ko na namumutla na si Mary kaya wala na akong sinayang na oras. Kaagad akong tumayo mula sa couch at sumugod kay Jared. With all my strength, I carried Jared like a sack and immediately climbed the stairs. s**t! He's beaten so bad! "What happened to him?!" binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Jared at dahan-dahan siyang nilagay sa kama niya. "We don't know! Naabutan nalang namin siya na duguan at sugatan sa harap ng dorm!" Kris bit her lip in frustration. "Ano?! But Jared told us bago siya umalis na pupuntahan raw niya kayo dahil hinahanap ni Daryl si Mary." I was beyond shock. Damn it! Bakit walang nakapansin sa amin?! Argh! "I know. Jared c*****d me kaya naghintay kami ni Kris sa infirmary ngunit hindi dumating si Jared kaya nagpaalam nalang kami sa healer ng infirmary at umalis na and then this happened."—tinuro ni Mary si Jared—"We found him unconscious and full of bruises and wounds sa harap ng dorm." "It looks like pinagtulungan si Jared ng kung sino man ang umatake sakaniya," Kris murmured. "Obviously naman na pinagtulungan talaga si Jared. Kung isang tao o dalawa lang ay hindi magiging ganito ang hitsura niya ngayon." I messed up my hair in frustration. Damn it! Bakit ba kasi walang nakapansin sa amin?! God! Wala talaga akong silbi! Matapos gamutin ni Mary ang mga sugat ni Jared ay nagpaalam na siya upang puntahan si Daryl sa basement. Naiwan kaming dalawa ni Kris ngayon dito sa kwarto ni Jared. I sighed in my place habang si Kris ay nakatingin sa kawalan. "Sa tingin mo sino ang may gawa nito sakaniya?" I murmured. "I don't know," Kris whispered. "Walang nakakita mula sa atin kung sino ang may gawa." The door of Jared's room opened at pumasok si Carter. Just like us, naguguluhan rin siya at nagtataka habang nakatingin kay Jared. Tumabi siya sa'kin at saka ako tinanong. "Who could've done this to him? Wala namang nakalaban o nakaaway si Jared mula sa campus," mahinang sabi ni Carter. "We know that, Carter. Right now ay nag-iisip pa kami ng mga tao na posibleng gumawa nito sa presidente natin." I scrunched my nose annoyingly. Tch. Tiningnan ko ang mga sugat ni Jared na hindi pa nagamot ni Mary. Ngumiwi ako dahil nangingitim na ang ilan sa mga sugat niya. He's really beaten so bad. Tch, sino naman kaya ang gumawa nito sakaniya? "Ngayon na malapit na ang class evaluations, mainit na ang tingin ng mga klase sa isa't isa." Kumunot ang noo ko nang naalala ko ang sinabi ni Jost. Why would I suddenly think about what he said right now? Aish. "Come on, let's leave Jared para makapagpahinga na siya. We'll discuss about this matter tomorrow," sabi ni Kris sa amin at lumabas na kami ng kwarto ni Jared.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD