ELISE POV
Im here at the wide space,sabi nila dito daw kami magkikita-kita.
"Hey wazzup" bati ni Vash
"Hey,kanina kapa?" Tanong ni Julie
"No,kakarating ko lang din" sagot ko
Kumpleto naman kami ngayon maliban lang kay Agatha,halos araw-araw na siyang hindi nakikipagkita samin nagaalala tuloy ako.
"So ano yung good news mo Julie" tanong ni Meizzy
"Oo nga sis,ano ba yun at pinapunta mo pa kami dito" dagdag pa ni Khaser
"Guys!" Sambit ni Julie habang patalon-talon pa
"Ano?" Inis na tanong ni Vash
"Im officially in a relationship" nakangiting wika nito
"We?tangina!yun lang?"inis na sambit ni Vash
"Oo bakit may problema ka" mataray na sambit naman ni Julie
"May sinabi ako?"
Pagkatapos naming magusap-usap ay umakyat na rin ako.
*ting *ting *ting
"Hey" bati ko sa kanila dito sa cafeteria
"Wazzup" Bati naman ni mokong
"Nasan si Agatha?" Tanong ko
"Ayaw sumama" Meizzy answered
Ayyt,ano bang problema nun?hindi na siya sumasama samin at lagi na rin siyang absent.Ano bang gusto niya mangyari?matanggal yung scholarship niya?hayst!
-------------
Bago umuwi ay dumaan muna ako sa bahay nila Agatha,sa kabilang barangay lang naman sila kaya hindi masyadong malayo.
*knock *knock *knock
"Agatha!" Sambit ko habang kumakatok
Pinagbuksan niya naman ako g pinto kaya nagkausap kami.
"Bakit lagi kang absent?may problema ka ba?" Tanong ko
"Wala" tanging sagot niya
Hinawakan ko ang kamay niya st pilit na tinatanong "ano ba kasing nangyayari sayo?hindi kana sumasama samin.Tapos lagi ka rin absent,paano na yung scholarship mo?" Sambit ko
"Hindi mo ba naiintindihan Elise?ayaw sakin ni Khaser.Kapag nakikita ko siya lalo lang akong nasasaktan,akala ko gusto niya rin ako pero hindi pala" sambit niya habang tumutulo ang luha
"E ano kung hindi ka niya gusto?mamatay ka ba kapag hindi ka niya minahal tulad ng pagmamahal mo sa kanya?kaya nga ako nandito diba,para tulungan kang makalimot!pero anong ginagawa mo?sinasayang mo ung pagaaral dahil lang nireject ka nug tao!" Hindi kona napigilan ang inis
"Bakit ba kasi hindi niya ko kayang mahalin?pangit ba ko?hindi ba ko kamahal-mahal"
"Hinde okay,wala tayong magagawa dahil hindi natin pwedeng pilitan yung isang taong hindi naman talaga tayo gusto.Your worth it,ang tanga niya kasi pinakawalan ka niya.You deserve much better than him" sambit ko
"Salamat Elise,kasi naiintindihan moko.Pasensya na kung naging maarte ako,masyado ko lang dinamdam yung rejection.Dont worry papasok nako bukas" nakangiting sambit niya
"Nandito kaming mga kaibigan mo,ayawan ka man ng ibang tao pero kami,lagi kaming nandito para sayo.Think positive.
"Alright,see you then.Matulog kana,masyadong nakakapagod ang araw na to" pagpapaalala ko
Pagkatapos kong magpaliwanag kay Agatha ay agad na rin akong umuwi.
Hapon na at malapit na rin magdilim,tumulong muna ako sa pagluluto.
7:00 o clock ay kumain na rin kami.
"Tita bat wala pa si papa?" Tanong ko
"May program pa daw sa trabaho kaya magoovertime siya" sagot naman ni tita Fiona
"Mama,may project na naman kami" sambit ni Maggie
"Na naman?hindi na kayo naubusan" tita Fiona said
"Hindi talaga mauubos kasi nagaaral pa ko" pangaasar ni Maggie
"Tanginaka,sumasagot kapa" inis na sambit ni tita Fiona
Pinipigilan kong matawa kasi si Maggie lang talaga ang nakakasagot-sagot dyan sa mama niya,si Hariette nga hindi makakibo kapag nagagalit na si tita pero siya makapal ang mukha.
"Ang sabi pa kanina ng teacher ko,kapag daw hindi ko inayos yung pagsagot sa exam ibanagsak niya daw ako" Maggie said
"Bakit naman daw?" Tanong ni Hariette
"Kung ano-ano daw sinasagot ko sa mga tanong" Maggie said
"Ano bang tanong?" Tanong ko
"Ang nakalagay kasi sa test paper 'saan sinulat ni rizal ang EL FILIBUSTERISMO' e ang bilis bilis langb sagutin nun,very basic" sambit pa niya
"Anong sinagot mo?" Hariette ask
"Edi sa papel,jusko saan pa ba niya isusulat yun"
"Ppfftt,tanga" sambit ko at hindi na napigilan ang pagtawa
Kahit kelan talaga bobo nitong kapatid ko.
Pagkatapos naming kumain ay agad akong nagshower at humiga,nagresearch muna ako ng mga paintings sa google bago matulog "ito pwede ko ito ilagay sa kwarto" sambit ko sa sarili.After kong magresearch ay natulog na ako.
Katulad ng inaasahan ko ay nandito nako sa panaginip ko,pumunta agad ako sa taas upang sukatin kung gaano kalaki ang mga kwarto. "Grabe isang buong bahay na namin ung isang kwarto,ang ganda talaga" natatawang sambit ko habang pababa sa hagdan.
Kumuha ako ng maraming pagkain sa ref at nagtungo sa garden,mahangin kasi dun kaya masarap mag,muni-muni habang nakatingin sa kalangitan.Nagulat ako ng may makitang lalaki sa may garden,naka black t-shirt siya at nakapantalon,clear cut din ang gupit niya.Nagulat ako ng makitang.....
"Ikaw na naman!" Inis na sambit ko
"Hi,sorry di ako nakapagpaalam nung pumasok ako dito" sambit niya
"Ano bang problema mo?bat lagi kang nandito?tsaka bakit nasa panaginip kita?" Sunod-sunod na tanong ko
"Nagpakilala ako sayo kahapon,pero parang wala kang balak magpakilala kaya aalis na lang ako" sambit niya
Paalis na sana siya ngunit "wait,magpapakilala nako pero magpakilala ka muna" sambit ko
Humarap ito at ngumiti "My name is Maxwell Nathaniel Lewis,17 yrs of age.I am a dream traveller" sambit niya "and you are?" Tanong pa nito
"I am Elise Katherine Mahone,16 yrs old.I am a lucid dreamer" pagpapakilala ko
"Nice to meet you Elise,so tama nga ako na lucid dreamer ang gumawa ng bahay na ito" he said
"Yes,anong dream traveller?" Tanong ko
First time ko lang marinig ang salitang yun.
"Dream traveller means ability to go everywhere,kahit sa mga panaginip" sambit niya
"Pero paano?" Tanong ko ulit
Umupo siya sa may table at tinapik ang pwesto sa gilid niya,agad ko naman itong naintindihan kaya umupo na rin ako.
"Isa akong dream traveller,bata pa lang ako may abilidad na akong pumasok sa panaginip ng tao.Weird but I found it fantastic,dito ko lang nagagawa yung mga bagay na hindi ko kayang gawin sa reality" paliwanag niya
"Ahh now I know,ako kasi hindi naman talaga ako marunong maglucid dream.Nalaman ko lang ito sa science teacher ko,nagresearch ako at inapply ito bago matulog.Sinunod ko lahat ng steps na nakalagay sa google pero hindi pa rin sapat para matuto ako,until one day binangungot ako na may gustong gumahasa sakin.After that day gabi-gabi akong nananaginip at napansin ko rin na nakokontrol ko ito" paliwanag ko
"Yeah,because your mind cotrol your emotions.So if you have no idea about lucid dream better to back off because it sounds interesting but dangerous" sambit pa niya.
"Ilang taon ka nang dream traveller?" Tanong ko
"Since I was 2 yrs old so 15 yrs" sagot niya
"Wow,talaga?sana lahat" nakangiting sambit ko
"How about you?" He ask
"Wala pang isang buwan simula nung matuto ako kaya pinapractice ko pa rin" sagot ko
"Try and try,matututunan mo rin yan" nakangiting sambit niya
Ewan ko ba pero kapag tumigingin siya sakin mata sa mata parang merong kumikiliti sa tyan ko,matangos ang ilong niya at singkit,clear cut ang gupit at medyo maputi.Sobrang linis din ng ngipin niya kaya nakakainlove kapag ngumingiti.
"Hey are you listening?" Nabalik ako sa wisyo ng magsalita ito
"Ahh-oo sorry" grabe nakatitig pala ako sa kanya,nakakaloka baka isipin niya crush ko siya.
"I said how's your life?" Natatawang sambit niya
"Okay lang,bata pa lang ako nung namatay ang mama ko.Si papa at lola na lang ang nagalaga sakin hanggang sa nag asawa ulit si papa,nagkaroon sila ng dalawang anak and they are Hariette and Maggie.Malungkot ako kasi nagasawa ulit si papa pero okay na rin yun atleast may katuwang siya sa buhay.Ikaw ba?kwento ka naman" sambit ko
"Buhay pa naman ang parents ko,they are Elizabeth and Arthur Lewis.I have to brothers,Nathan is the eldest followed by me and Ian is the youngest.My father always compared me to my kuya,lagi niyang sinasabi na wala akong kwenta,na dapat gayahin ko si kuya Nathan na laging nasa top,matalino at matino.While my mom always manipulate my studies,gusto niya na business management ang kunin ko pero himdi ko naman yun gusto.I want to be a doctor someday,pero hindi yun ang gusto nila para saken.Akala ko dati ganun lang sila kasi alam nila kug anong makakabuti sakin pero sobrang nakakasakal yung ginagawa nila.
They always control my brothers.Sa sobrang galit ko sa kanila,nagrebelde ako,naglayas ako samin at nagpunta sa bahay ng mga friends ko.Dahil sa kanila natuto akong magdesisyon para sa sarili ko,dahil sa kanila naging malaya ako,pero dahil din sa kanila natuto akong magbisyo" sambit niya agad tumungo na parang nahihiya
"Ituloy mo" mahinahong sambit ko
"Natuto ako maginom,manigarilyo,mambabae at worst is natuto akong mag drugs.Nung mga panahong yun wala akong ibang inisip kung hindi magpakasarap,kung sino-sinong babae ang ginagamit ko,walang tigil sa paninigarilyo.Pinipilit ako ng mga kapatid ko na umuwi pero hindi ko sila pinakinggan,mas pinili ko ung mga tropa kong puro kasamaan ang alam.Until nahuli ako ng mga pulis,14 yrs old lang ako nun kaya hindi nila ako kinulong.Dinala nila ako sa DSWD,after 1 week pumunta ang parents ko,akala ko kukunin nila ako pero mali ako.Nakatanggap ako ng malakas na sampal galing sa mommy ko at hindi ko makakalimutan ang sinabi ng daddy ko "napaka walang kwenta mong anak,wala ka ng ibang binigay kung hindi perwisyo.Dapat lang sayong makulong dito,sana nga tinuloy na lang ng mommy mo yung pagpapalaglag niya sayo nung buntis pa sya edi sana wala kaming anak na suwail ngayon" sambit at agad umalis" pagpapaliwanag niya,hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha niya ramdam ko kung paano niya kinimkim yung hinanakita nayun
"Sshhh,wag kanang umiyak" sambit ko
"Ngayon alam mona kung anong kwento ng buhay ko,fee to judge and okay lang kung hindi ka makikipagkaibigan" sambit niya
"No,hindi ako ganun.Tanggap kita kahit sino ka pa,forget the past but remember the lesson" nakangiting wika ko
MAXWELL POV
"Forget the past,but remember the lesson" mga katagang sinabi niya pagkatapos niyang malaman ang kwento ko
Ngayon lang may taong tumanggap sa pagkatao ko,sa pagkakamali ko.Masaya ako kasi naintindihan niya yung pinanghuhugutan ko ng mga panahong yun,I hope maging magkaibigan kami.
"Thankyou,thanks for understanding" sambit ko
"Your always welcome" nakangiting sambit niya
"Can we be friends"
"Sure why not" sambit niya at saka nagpagpag
"Una na pala ako,may paso pa ko" nakangiting sambit niya
"Alright,see you then" sagot ko
"Uhmm,magkikita pa ba tayo?" Tanong niya
"Depende,kung papayagan mo akong bumalik dito" sagot ko
"Oo payag ako,sige babye see you!" Sambit niya at saka umalis
She's so beautiful,humble and gorgeous ang swerte na magiging boyfriend niya.
That night,I can't believe that I fell inlove with that girl named Elise!