"Kinabahan kami ng mommy mo kahapon dahil sa nangyari sayo anak."mangiyak-ngiyak na sabi ng ama. Pero naikwento na sa amin ni Hellie ang lahat ng nangyari at pakiusap namin sana sa iyo anak na mag-ingat lalo na kung meron kayong hindi pagkakaunawaan." Sambit ng ama at nasa mga babae ang mga mata niya.Napayuko naman si Hellie dahil alam niyang isa din siya sa naging dahilan kung bakit nasa hospital si Lori ngayon. Napansin ni Lorraine ang pananahimik ni Hellie kaya naisip niyang it's about time to introduce Hellie to her parents. "Mommy, Daddy umm... Hellie is not just my boss but actually she is my-" hindi pa natapos ni Lorraine ang sasabihin ng magsalita ang ina nito. "Your girlfriend." Sambit ng ina ni Lorraine. Nagtataka siyang napatingin sa girlfriend. "Sinabi na ni Hellie sa amin

