Malapit lang ang tahanan ng kanyang ama sa mga restaurants and bars. Nagpalinga linga ito. Hanggang sa mapadaku ang mga mata niya sa isang magandang tanawin. Madaming tao ang naroroon and out of curiosity pinuntahan niya ang lugar. May nag-aakapan, may naghahalikan, merong nagseselfie at siya mag isa lang doon. Out of nowhere, nahagip ng kanyang mga mata ang isang grupo. At isa sa kanila ang dahilan ng kasiyahan ng kanyang damdamin. Hindi niya inaalis ang mga paningin sa dalagang walang kapaguran sa pagtawa. Nakaramdam siya ng inggit. Gusto niya na siya ang dahilan ng mga tawa at ngiti ni Lorraine. Umupo na lamang siya at tahimik na pinapanood ang dalagang akap akap ng mga kaibigan. Then she asked herself... "What can I do to make you love me Lorraine?" she bit her

