Halos sumayad sa lupa ang nguso ni Venz ng makabalik ang dalawa mula sa paglalakad ng aso. Sinalubong ito ng mag-asawang Mr. Bill and Mrs. Chelsea Robles. Makikita sa mukha ng mag asawa ang saya dahil nagkaron ng instant na kaibigan ang kanilang dalaga. "Hello lovely ladies, kamusta naman itong dalawang pasaway, hindi ba kayo pinahirapan?" Tanong sa dalawa na kapwa nagkatinginan kaya si Lorraine ang sumagot. "Okay naman ninong. Masunurin naman silang dalawa. At saka nakipaglaro naman sila sa ibang aso." Gulat ang makikita sa mukha ng mag-asawa. "Nakipaglaro? Hmm, that's a bit odd kasi ayaw nila ng iba lalo na kapag medyo malaki sa kanila. Takot ang mga ito. May phobia na kasi sila kung paano ang masaktan." Turan ng ama ni Venz. Napangisi naman si Lorraine. "Ahh... Ramdam ko

