CHAPTER 1
Krista's POV
Uhm, 6:30 na pala ng umaga. Nakakatamad naman bumangon :(
Lalo pa't unang araw ng pagiging ganap na isang high school student.
Sabi ng iba, ito daw ang pinakamaganda at hindi malilimutang parte ng pagiging isang mag-aaral. Siguro nga't lalo andiyan yung mga kaibigan ko. Sana maging magkakaklase pa rin kami hanggang ngayon. *fingers cross*
*****************Flashback*********************
Nagmula nga pala ako sa probinsya na hindi masyadong maunlad. IIlan lamang ang mga estrukturang nakatayo tulad ng malls at hotels at maliit lamang ang pamilihan namin.
Gayundin ang bayan namin, kung kaya't ang mga balita ay mabilis na kumakalat.
Kasalukuyan akong nag-aaral sa isang pambublikong paaralan ng San Jose Elementary School. Maganda naman ang paaralan na aking kinabibilangan, maliit lamang ang tuition fee kung kaya't hindi ako masyadong nagiging pabigat sa tiyahin kong kumukopkop sa akin.
Subalit nagkaroon ng problema dahil nagkasakit si Chelsea, ang anak ng aking tiyahin na si Tiya Loida. Kung kaya't lumaki ang gastusin sa bahay. Naubos ang mga naitabing pera ni tiya Loida pagtustos ng pangangailangan ni Chelsea sa ospital. Kung kaya't hindi ko mabayaran ang natitirang bayarin sa aking paaralan. Nakiusap na lamang ako sa kakilala kong si Manong Melchor sa may kabilang kanto. Mayroon siyang maliit nga grocery store sa tapat ng kanyang bahay. Nakiusap ako sa kanya na bayaran na lamang ang natitira kong balanse sa aking paaralan kapalit ng pagbabantay ko sa kanyang tindahan. Hulog ng langit si Mang Melchor dahil pumayag siya sa aking kahilingan.
Maliit pa lamang ako, hilig ko na talagang mag-kwenta ng mga bagay-bagay lalo na sa larangan ng business. Kung kaya't nais ko maging isang matagumpay na Entrepreneur.
Kaya lang alam ko namang hindi sapat ang pera nila tiya para makapag-enroll ako para sa next year. Kahit na kapalit ito ng aking mga pangarap.
Marahil na nagtataka kayo kung bakit hindi ako nanghihingi ng tulong sa iba kong kamag-anak... 'yun ay dahil sila na lamang ang natitira kong kamag-anak rito sa mundong 'to. Sila nanay at tatay? Iniwan na nila ako, pareho na silang nasa langit. Gayunpaman, kailangan ko pa ring magpatuloy sa buhay.
Makalipas ang ilang buwan, nagkaroon ng usap-usapan na magkakaroon daw ng scholarship grant ang West Stone University sa mga mapapalad na estudyanteng may abilidad at may kakayahan. 100% full scholarship kasama ang monthly allowance for foods and other miscellaneous expenses.
Kaya naman nagkaroon pa ako ng pag-asa na makapag-aral ulit, na matupad ang mga pangarap kong maging isang mahusay na entrepreneur. Ayon kasi sa mga sabi-sabi, ito ay isa sa pinakamagandang paaralan sa buong probinsya namin.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang pumasa, nag-aral ako ng mabuti upang siguraduhing mataas makukuha kong grado sa entrance exam.
Pinagpala naman ako ng Panginoon dahil isa ako sa mapalad na nakapasa sa isang malaking paaralan tulad ng West Stone University. Grade 4 ako ng lumipat ako para ituloy ang pag-aaral ko.
Unang impresyon ko? Syempre I'm excited! Ito na yata ang pinakamagandang school na nilipatan ko.
Magmula sa mga buildings at facilities. Pati na ang mataas na fountain na bubungad sa mga estudyante pagpasok ng paaralan.
Nagkaroon ako ng iilang kaibigan, sina Russell, Llianna, Sharisse, Aubrey and Isay. Subalit hindi ako nagtagal sa circle of friends nila kasi parang hindi ako belong sa grupo nila. Tila ba parang may isang malaking pader na nakaharang sa kanila.
Sumunod naman sina Maye at Pearl, ngunit ganun pa din ang nagyari. Nasira ko pa nga ata ang friendship nila. Pagkatapos ko ka silang maging kaibigan, parang nawalan na sila ng time sa isa't isa.
Hindi ko alam, ako ba ang may mali? Hindi ba ako karapat dapat na magkaroon ng mabuting kaibigan?
Hanggang sa nakilala ko sina Janine, Liza at Joana. Sila ang tumanggap sa akin noong elementary life ko.
***********Flashback ends***********
Nagtext ako sa mga kaibigan ko kung nasaan na sila. Agad naman silang nagreply na nasa school na raw sila.
Agad kong hinanap ang classroom ng grade seven. Nakita kong nandoon na sina Janine, Liza, at Joana at mukhang hinihintay nila ako dahil magkasama sila sa tapat ng iisang classroom. Kung anong saya ko ng makita ko sila, gayun din naman ang lungkot sa mga mata nila.
"Hi! Sobrang namiss ko kayo!" masiglang bati ko sa kanilang tatlo.
"Hi Bud..." tawagan namin yan sa isa't isa.
"Oh! Bat ganyan ang mga mukha niyo? Ano? Magkakaklase ba tayong apat?" excited na tanong ko sa kanila.
"Kaming tatlo, magkakaklase... sa Star Section..." nalulungkot na sabi ni Janine.
"Pero, ikaw hindi..." malungkot na dugtong ni Joana.
Ha? Tila ba nabingi ako sa mga salitang narinig ko. Hindi ko sila kaklase? Hindi naman 'yon ganon kabig-deal pero para sa akin, malaking bagay 'yon.
Hindi ka dapat maiyak! Kakayanin mo ito~
"Ano ba kayo! Okay lang ako! Ako pa ba!" pagpapagaan ko sa mga malulungkot nilang mga mukha.
Gagawin ko ang lahat para makapunta ulit sa higher section! Oo maari kasing makapasok sa higher section kapag may nataasan kang grade sa kahit sino sa mga nasa higher section. Pagkatapos 'nun, makakasama ko na ulit sila!
*****
Sa school kasi namin mayroong 2 levels ng talino and each section is composed of 35-50 students. Nahahati sa limang sections ang bawat grade level, lima sa grade 7,8, 9 at 10. Iisang section lamang ang tinatawag na higher section ito ang Orion. Ang apat na sections na natitira ay pantay lamang ito ay ang Cassiopeia, Draco, Cancer, at Aquarius.
Sa section ng Aquarius ako napabilang. Nasa 2nd floor ang classroom namin, samantalang sa kanila, nasa 3rd floor kasama ang iba pang matataas na grade level.
Pumasok na ako ng classroom namin.
Karamihan ng mga kaklase ko, transferee, galing sa ibang school. Hindi kasi sila familiar sa akin. Malas naman, ni isa wala akong kaklase noong nakaraang taon.
Nakikinig lamang ako sa kanila habang nag-uusap. Hindi naman ako tsismosa, pero malakas kasi ang pinag-uusapan nila.
"Oh pre, dito ka rin pala!" sabi ng isang babaeng may mahabang kulot na buhok at may lollipop sa bibig.
"Oo dre!" Sagot din ng isa kong kaklase.
"Nice" nag-apir pa silang dalawa.
Hindi na 'ko nakinig sa mga pinagsasabi nila, itinuon ko na lamang ang atensyon sa labas ng pintuan. Kung sana, kaklase ko lamang sila, edi masaya din ako ngayon.
Maya-maya pa'y may pumasok ng isang teacher sa aming classroom.
"Hello Everyone! I am Mrs. Angela Dela Torre. You can call me Ma'am Angela and I will be your class adviser and your Science Teacher for the whole school year." mahabang litanya ng aming magiging guro. Mukha naman mabait si Ma'am.
"...Instead of doing an old school type first day of school routine like 'giving expectations' or 'introducing yourselves'. I want you to get one whole sheet of paper then fold it crosswise." sabi ng teacher namin.
Agad naman akong kumuha sa bag ko ng papel para magawa na ang sinasabi ni Ma'am. Ngunit mukhang pagsisisihan ko ata ang ginawa ko kasi bigla na lamang dumami ang mga tao sa paligid ko at naglahad ng kamay.
Hindi naman ako ilang sa maraming tao, ayaw ko lang ng nasa akin ang atensyon.
Binigyan ko sila ng papel kahit na hindi pa kami ganon magkakakilala.
"Thank You!/ Salamat!/ Hulog ka ng langit!" nakakatuwa naman sila hihi. Kahit paano, gumaan na rin ang aking pakiramdam.
Binigyan ko na lahat ng nasa harap ko ng papel para makapag-sulat na ako.
"Uh- excuse me?" sabi ng kaklase ko na nasa harap ko. Ang cute naman ng mga mata niya, parang nagspa-spark!
"Bakit?" tanong ko naman sa kanya pabalik.
"Pahingi ako ng papel" sabi niya.
Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa, binigyan ko na siya ng papel.
"Salamat!" sabi niya tapos ngumiti. Ano ba 'to! Unang araw palang ng klase ganito na agad ang nararamdaman ko.
"May papel na ba lahat?" tanong ng teacher ko.
Sinagot naman ito ng mga kaklase ko.
"Okay, simulan na natin! Lagyan niyo ng pangalan ang sariling papel ninyo. Pagkatapos ay ipasa inyo ang inyong papel na nasa inyong kanan. Pagkatapos ipasa, magsusulat kayo ng mga characteristics o mga expectations niyo sa taong may-ari ng papel. Maliwanag ba?" kakaiba talaga 'tong si Ma'am. Ngayon ko pa lang ito mararanasan.
Ginawa naman namin ang sinabi ni ma'am. Matapos ang 25 mins. A pag-ikot ng papel, nakarating na sa akin muli ang papel ko at agad na binasa ang mga nakasulat na doon.
Karamihan dito ay 'mabait', 'tahimik', 'matalino' at kung ano-ano pa. Syempre may negative din, tulad ng 'mataba' at kung ano-ano pa.
******bell rings********
Recess na agad? Tinago ko na ang papel ko sa aking bag at nagpasayang magpunta sa canteen.
Palabas na sana ako ng pintuan ng classroom ng makita ko si....
End of chapter 1
G a l a x i n e s~