Kanina pa kumukulo ang dugo ko kay Noah dahil sa naging usapan namin ni Mitchy kanina. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang problema n’ya habang nasa kalagitnaan din ako ng pagharap sa sarili kong problema. But a part of me was guilty for whatever happened to Mitchy. Kahit na sinabi n’ya sa akin na mahal n’ya si Noah at ginusto n’yang ibigay ang sarili dito ay hindi pa rin nabawasan ang guiltiness na nararamdaman ko dahil sa naging sitwasyon n’ya. Noah wanted her to resign because he wanted her to leave the country. Ayaw ni Noah na ipaalam ni Mitchy ang pagbubuntis n’ya sa akin dahil alam na alam na n’ya ang mangyayari kapag nalaman ko ang tungkol doon. Kahit sa papel lang ay hinding-hindi ako papayag na magpakasal sa kanya lalo na ngayong alam kong mahal s’ya ni Mitchy at magkakaroo

