Pagbalik namin sa loob ng function hall ay sa table na kami nina Sven sumama dahil dumating na rin si Gelo at ang Daddy n’ya. Panay ang tinginan namin ng palihim ni Liam pero ilang na ilang ako dahil panay naman ang kausap sa akin ni Jen. She was actually venting out her frustrations after her and Sven talked outside. Si Sven naman ay halatang badtrip sa isang gilid pero nakikipag-usap pa rin sa magpinsan na sina Triton Aldana at Vaughan Montecarlo. Vaughan is proudly saying that he knew the guy who is currently leading the dancefloor. Kahit ako ay hindi rin maalis ang tingin sa kanya dahil sa galing n’ya sa pagsasayaw. Magaling din naman ang dalawang kasama n’yang sumasayaw pero namumukod tangi talaga ang mga galaw n’ya. At hindi rin maitatanggi na gwapo s’ya at malakas ang dating. Kaya

