Ilang sandaling nakatitig lang ako kay Liam habang paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko ang mga sinabi n’ya. Sa dami ng realizations sa isip ko ay hindi ko alam kung alin ang uunahin na pagtuunan ng pansin. Pero sa lahat ng ‘yon ay nangingibabaw ang pinakahuling sinabi n’ya. He’s the son of Dimple Williams which means he’s the only successor of Emporium. The heir of the multi-billionaire Chairwoman of the biggest and most powerful Real Estate company not just here in the Philippines but also in the United States! Galing sa angkan ng mga Williams na isa sa mga itinuturing na pinakamayamang angkan sa America. Halos malula ako sa mga impormasyong dati-rati ay naririnig ko lang sa mga Kuya ko at kay Daddy. There’s no one in this industry who doesn't know how powerful and how wealthy his fa

