Kanina pa ako tulala sa kwarto simula noong makauwi ako galing sa Emporium. Imbes na babalik pa sana ako sa Axis ay sa bahay na ako dumiretso dahil alam kong kahit na bumalik ako sa opisina ay hindi rin ako makakapagfocus sa trabaho dahil sa dami ng iniisip ko. Liam insisted that we should meet tonight. But how can I possibly do that when Noah asked me out for dinner? Nakabantay pa naman si Daddy sa mga kilos ko kaya imposibleng malusutan ko ang dinner na inaalok ni Noah! Umungol ako at inis na napasabunot sa buhok habang humihiga sa kama. Kanina pa ako nagkukulong sa kwarto at wala akong ibang maisip na paraan para hindi ako makapunta sa dinner na gusto ni Noah. Kung dati ay madali lang para sa akin na lusutan ang mga dinner dates na sineset ni Daddy para sa akin, ngayon ay iba na ang

