TINULUNGAN ni Yoomi si Jason na humiga sa kama nila. Kalalabas lang nito ng ospital at ang sabi naman ng doktor, kailangan lang nitong magpahinga. Babalik na lang sila sa ospital kapag kailangan nang tanggalin ang cast sa braso ng binata isang linggo mula ngayon. Nabawasan na ang takot niya. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin kung sakaling may masamang nangyari sa asawa niya. “Magpahinga ka na,” sabi niya kay Jason. Hindi siya makatingin sa mga mata nito. “M-maglilinis lang ako sa sala.” “Gabi na. Bakit maglilinis ka pa?” “Para malinis,” walang kuwentang sagot niya. Akmang tatayo na siya pero hinawakan siya ni Jason sa kamay gamit ang magaling nitong braso at hinila siya pabalik sa kama. “Bakit hindi ka makatingin sa’kin?” tila nagtatampong tanong ni Jason. Dahil sa tono ng boses n

