Chapter 12

1157 Words

SUMALAMPAK ng upo si Yoomi sa sofa pag-uwi niya ng bahay at binaba sa tabi niya ang mga shopping bag. Gaya ng pangako niya kay Jason, maaga siyang umuwi. Hindi siya kumain sa labas para magkasabay pa rin silang maghapunan ng binata. Napagod siya sa maghapong pag-sha-shopping nila ni Issa, at mas lalo siyang napagod sa pangungumbinsi rito na wala pang nangyayari sa kanila ni Jason kahit magkatabi na sila sa pagtulog. Naalala pa niya ang sinabi ni Issa: “Isang linggo na kayong natutulog sa iisang kama pero wala pa ring nangyayari sa inyo? Kawawa naman 'yong asawa mo. Siguradong gabi-gabi siyang naliligo ng malamig na tubig.” Ang nakakagulat, napansin nga niya na minsan, sa kalagitnaan ng gabi, magigising si Jason at bigla na lang maliligo. Pagkatapos ay saka lang ito mahihimbing ng tulog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD