DAHAN-DAHANG bumaba ng hagdan si Yoomi. Nang masiguro niyang nakaalis na ang mga bata at ang sundo ng mga ito, saka siya lumapit kay Jason na nakatayo sa pintuan habang pinapanood ang pag-alis ng kotseng sumundo sa mga paslit. Niyakap niya si Jason mula sa likuran. “Sino 'yong sumundo sa mga bata?” Nilingon siya nito. Nakangiti ito, kahit halatang pagod mula sa maghapong pakikipaglaro sa mga bata. “'Yong lola nila. Okay na 'yong mommy nila. May bago silang kapatid na babae.” “Mukhang nag-enjoy kang kalaro sila, ha? Muntik mo na kong hindi pansinin.” Gumuhit ang guilt sa mukha nito. “Sorry, honey. Ako na ang magluluto ng dinner para mabakawi sa’yo. Ano’ng gusto mong kainin?” “Ikaw.” “No, you choose. Ikaw ang pagsisilbihin ko ngayon.” Natawa siya. Hindi nito nakuha ang ibig niyang sab

