“SIR CHESTER!” Napangisi si Chess nang namutla bigla ang assistant niyang si Lucelle nang makita siya nitong bumaba mula sa sinakyan niyang jeep. “Hello, Lucelle. I told you to just call me ‘Chess’. Masyadong mahaba ang ‘Sir Chester’.” Lalo yata itong namutla habang tinitingnan ang suot niyang damit. “Hindi ko ho kayo puwedeng tawagin sa pangalan niyo lang. At Sir, saan niyo nakuha ang damit na mukhang basahan na 'yan?” Natawa lang siya saka siya naglakad papasok sa Javier Building. Pag-aari ng pamilya niya ang dalawampung-palapag na gusali na iyon. Sumaludo sa kanya ang guwardiya pagpasok niya, at tinapik niya ito sa balikat. The guard looked surprised and embarrassed by his warm gesture, but he just laughed it off. “Good day, Earthlings!” masiglang bati niya sa mga empleyado niyang b

