Chapter 3

3440 Words
SINUKLAY ni Jason ng mga daliri niya ang magulo niyang buhok, at inayos din niya ang suot niyang T-shirt. Kauuwi lang niya mula sa gigi ng banda niya at patulog na sana siya nang tumawag sa kanya si Yoomi at tinanong nito kung puwede siya nitong makausap. Alam niyang importante 'yon dahil hindi naman ito pupunta sa condo niya ng alas-dos ng madaling-araw kung wala lang iyon. Nang tumunog ang doorbell ng unit niya ay napakidiretso siya ng tayo. Kinalma niya muna ang sarili niya bago binuksan ang pinto. Pero bale-wala rin iyon dahil pagkakita pa lang niya sa magandang mukha ni Yoomi ay bumalik ang mabilis na t***k ng puso niya. “Hi, Yoomi,” nakangiting bati ni Yoomi sa kanya. Binigyan siya ni Yoomi ng tipid na ngiti. “Hello, Jason.” “Hi, Jason. Nandito rin ako,” sabi naman ni Issa. Ngumiti lang siya. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Tuloy kayo.” Tumuloy sa loob ng unit niya sina Yoomi at Issa. Pinaupo niya ang mga ito sa sofa sa sala niya. Nagpaalam siya sa mga ito para sana magtimpla ng kape pero pinigilan siya ni Issa. “Aalis din ako agad dahil hindi puwedeng may makakita sa’kin dito,” sabi ni Issa na nauunawaan naman niya dahil asawa ito ng politiko. “Jason, makikiusap sana kami kung puwedeng dito muna mag-stay si Yoomi sa unit mo.” Nagkamali ba siya ng rinig? Dumako ang tingin niya kay Yoomi para kumpirmahin nito ang sinabi ni Issa. Tila nahihiyang tumango si Yoomi. “May nangyari kasi... pero kung may girlfriend ka na magagalit, puwede nama –” “Wala akong girlfriend,” mabilis na tanggi niya. Hindi niya kukulitin ng isang taon si Yoomi kung may karelasyon siya. “Ano ba’ng nangyari?” Nagtinginan muna sina Issa at Yoomi, bago nagsimulang magkuwento si Yoomi. Matapos marinig ang buong pangyayari mula sa dalaga ay naramdaman na lang niyang namamanhid na pala ang mga kamay niya sa higpit ng pagkakakuyom ng mga iyon. Alam niyang gago si Xaver, pero ngayon lang niya naramdaman na gusto niyang patayin ang walanghiyang lalaki. Pinipilit ni Xaver na magbigay ng pera si Yoomi rito at sasaktan nito ang dalaga kapag hindi? Nagmura siya sa isipan. “Dito ka muna sa bahay ko, Yoomi,” mabilis na desisyon niya. Ngumiti ng tipid si Yoomi. “Malaki ang tiwala ko sa’yo, Jason, kaya nga ikaw ang nilapitan ko. Kapag okay na ang lahat, aalis agad ako.” “Huwag mo munang isipin 'yon. Ang mahalaga, ligtas ka na ngayon.” Gusto niyang yakapin si Yoomi para iparamdam dito na walang masamang mangyayari dito habang nasa poder niya ito. Malamang ay natakot ito sa pagbabanta ni Xaver. Pero baka sa kanya naman matakot ang dalaga kapag kinulong niya ito sa mga bisig niya. Tumayo na si Issa. “Aalis na ko. Magagalit na ang asawa ko kapag nagtagal pa ko. Jason, maraming salamat uli sa pagtulong sa kaibigan ko.” Tumango lang siya at hinatid niya si Issa hanggang sa pintuan. Hindi na niya ito kailangang ihatid hanggang sa lobby dahil may mga kasama naman itong bodyguard. Nang bumalik siya sa sala ay isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila ni Yoomi. Nakaupo lang ang dalaga sa sofa habang nakatingala sa kanya. Pero kahit nakatingin ito sa kanya, hindi pa rin niya mabasa ang nasa isipan nito. Pero masaya siya na sa oras ng kagipitan, siya ang nilapitan ni Yoomi. Magtatampo siya kung hindi siya nito hiningan ng tulong. Dumako ang tingin niya sa malaking bag na dala ni Yoomi. Naroon marahil ang mga gamit nito. “Magpalit ka muna ng pantulog mo habang inaayos ko ang kuwarto mo.” Iminuwestra niya ang pinto ng banyo. “Kung tapos ka na, katukin mo lang ako.” Tumayo si Yoomi at nilibot ang tingin sa kabuuan ng unit niya, bago siya muling binalingan. “Iisa lang ang kuwarto mo rito. Okay lang ba na gamitin ko 'yon?” His unit was a bachelor’s pad. Isa lang talaga ang master’s bedroom do’n, pero hindi siya magdadalawang-isip na ipahiram 'yon kay Yoomi. “Huwag mo nang intindihin 'yon. Malaki naman 'yang sofa dito sa sala. Sige na, magbihis ka na nang makapagpahinga ka na rin.” May pag-aalinlangan pa rin sa mukha ni Yoomi, pero tumango na rin ito sa huli. “Jason?” “Hmm?” “Salamat. Pasensiya na rin sa istorbo,” sinserong sabi ni Yoomi. Hindi ito ngumiti, pero nangislap naman ang mga mata nito. He was stunned. Iyon ang unang pagkakataon na nakakitaan niya ng buhay ang mga mata ni Yoomi. Something hit him hard in the gut. Also, something stirred up inside his heart. “Jason?” untag ni Yoomi sa kanya. Tumikhim siya at nagkamot ng batok. Hindi niya alam kung ano’ng nangyari sa kanya. “Sige na. Mabilis lang 'to.” Dumiretso siya sa kuwarto niya nang hindi tinatapunan ng tingin si Yoomi dahil baka kung ano na naman ang maisip niya. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla ay natutuliro siya dahil lang sa buhay na nakita sa mga mata ng dalaga. Nawala lang ang lahat ng iniisip niya nang maalala niya kung ano’ng meron sa kuwarto niya. Napamura siya, sabay lundag sa kama niya. Kinuha niya mula sa ilalim ng mga unan, sa night table, at sa sahig ang nagkalat na mga kopya niya ng FHM magazine. Halos baligtarin na rin niya ang buong silid kahahanap sa porn CD na naalala niyang pinanood noon ng mga kabanda niya, na iniwan sa kanya. Nakita niya iyon sa ilalim ng cabinet niya. Mayamaya ay narinig niya ang mahinang katok ni Yoomi sa pinto. “Jason, puwede na ba kong pumasok?” Napamura siya sa isipan niya. “Sandali lang, Yoomi.” Inangat niya ang foam ng kama niya at inilagay sa ilalim niyon ang mga men’s magazine niya at CD. Sakto naman na pagkatapos niyang gawin 'yon ay bumukas ang pinto ng kuwarto niya at iniluwa niyon ang napakagandang si Yoomi. Na napaka-seksi sa suot nitong damit. Nakasuot si Yoomi ng halatang luma ng maluwag na PE T-shirt na umabot hanggang sa gitna ng mga hita nito. Her exposed creamy, long legs made him hard in an instant. Nag-iwas siya ng tingin kay Yoomi bago pa nito mahalata kung ano’ng iniisip niya ng mga sandaling iyon. “Magpahinga ka na.” Nilagpasan siya ni Yoomi habang nagpapasalamat ito sa kanya. He closed his eyes when he caught a whiff of her fragrance. Parati namang mabango ang dalaga kahit mainit sa pinagta-trabauhan nito, pero ng gabing 'yon, tila mas naging kaakit-akit ang amoy nito. Gustong-gusto niyang dambahin si Yoomi at isubsob ang mukha niya sa leeg nito. He wanted to breath in her. You’re a gentleman, Jason, parang mantra na paalala niya sa sarili niya. Natauhan lang siya nang may marinig siyang tunog. It sounded like a small laugh. Nagmulat siya ng mga mata at pumihit paharap. Muli ay naubusan na naman siya ng hininga nang makita niya si Yoomi na nakaupo sa gilid ng kama niya habang binabasa ang isang FHM magazine na malamang ay hindi niya naitago. “Mahilig ka pala sa ganitong babasahin,” panunukso ni Yoomi. “Hindi sa’kin 'yan!” natatarantang kaila niya. “'Yong mga kabanda ko kasi, minsana ay nag-i-stay sila overnight...” Nang nag-angat ng tingin sa kanya si Yoomi ay naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi at batok niya. At nang ngumiti ito ng pilya, pakiramdam niya ay huminto na sa pagtibok ang puso niya. “Hindi mo kailangang mahiya,” bawi naman ni Yoomi. “Natural lang sa mga lalaki ang magkaroon ng ganito.” Hindi! Hindi! Hindi! Walang lalaki ang gustong makita ng babaeng gusto niya ang mga ganyang bagay! Abala pa rin siya sa pag-iisip kung paano lulusutan iyon nang hindi siya gaanong napapahiya kay Yoomi nang may ginawa ang dalaga na tuluyang nagpainit sa buo niyang katawan. Hindi inalis ni Yoomi ang tingin sa kanya nang itakip nito ang magazine sa kalahati ng mukha nito na tila ba nahihiya ito. She then looked up at him with those gentle eyes while giving him an adorable shy smile. “Jason, malaki naman 'tong kama mo. Puwede namang... puwede namang tabi tayong matulog.” Inaakit ba siya ni Yoomi? Imposible 'yon. Sa isang taon na pagkakakilala niya rito, ni minsan ay hindi nito pinatulan ang pagpapapansin niya rito kahit alam nito kung sino siya. And he therefore conclude, he was just being horny. Ikinuyom niya ang mga kamay habang kinakalma ang sarili. Hindi niya sisirain ang tiwala ni Yoomi sa kanya. He completely ignored the pain he felt in his groin. Inagaw niya ang magazine na binabasa ng dalaga at pasimple iyong tinakip sa ibabang bahagi ng katawan niya na hindi nito dapat makita. “Kung may kailangan ka, nasa sala lang ako. Good night, Yoomi.” Mabilis na kumuha siya ng damit sa cabinet niya bago siya nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Pagkatapos ay dumiretso siya sa banyo at naligo ng malamig na tubig kahit madaling-araw na. But he still couldn’t get Yoomi’s creamy legs out of his mind, so was her fragrance that drove him crazy. HINALUKAY ni Yoomi ang bag niya na in-empake ni Issa para sa kanya. Mabuti na lang at ipinagbaon siya nito ng lumang T-shirt para naman daw hindi makahalata si Jason na inaakit niya ang binata. Nag-init ang mga pisngi niya nang maalala kung ano ang pinaggagagawa at pinagsasasabi niya kay Jason. Ginawa niya ang mga iyon ayon sa utos ni Issa. Mabisang paraan daw iyon ng “pang-aakit”. Nakita na niya ang hinahanap niya – isang bote ng lambanog. Sinadya niyang pabilhin si Issa no’n kanina bago sila pumunta sa unit ni Jason. Iyon lang kasi ang tanging alak na tumatalab sa sistema niya ng mabilis at malakas ang sipa. Kung pipikutin niya si Jason, gagawin niya 'yon nang may espiritu ng alak para hindi niya maisipang umatras. Tinanggal niya ang lid ng lambanog at lumagok. Mabilis na gumuhit ang matinding init sa lalamunan niya. Hindi pa niya nakakalahati ang lambanog ay sumisipa na ang alcohol sa sistema niya. Iyon na ang tsansa niya. Sinadya nila ni Issa na hindi sabihin kay Jason ang tungkol sa matandang gustong ipakasal ni Xaver sa kanya, para hindi magduda ang binata sa plano nila. Alam niyang gusto niya si Jason dahil bukod sa guwapo at mayaman ito, mabait ito sa kanya at ni minsan ay hindi siya binastos. 'Yon nga lang, pinipigilan niya ang sarili niyang mapalapit dito dahil alam niyang malayo ang agwat ng pamumuhay nila. Pero tama naman si Issa. Kung susuko siya sa hamon ng buhay at may dalawang pamimilian siya, bakit hindi niya piliin 'yong mas makakabuti para sa kanya? Sa huli naman, ikakasal pa rin siya. Ang tanong lang, sa apat na M ba – matandang mayamang madaling mamatay o sa guwapong-guwapong binata na mayaman at may gusto pa sa kanya? Siyempre, pinili niya si Jason. Mas pinili niya ang mamikot, kaysa siya ang mapikot ng matandang 'yon sa pamamagitan ng kuya niya. Alam niyang hindi iyon patas kay Jason kaya nagdesisyon siyang kapag nakuha niya ang kailangan niyang pera, hihiwalayan na niya ito. Wala siyang pakialam kung kamuhian siya ni Jason pagkatapos ng gagawin niya. Ang mahalaga, makakatakas na siya sa kuya niya. Isa pa, hindi puwedeng matali si Jason sa kanya habambuhay. May ibang babaeng mas nararapat dito kaya tama lang na iwan niya ito sa huli. Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Hinanap niya si Jason sa sala pero wala ito sa sofa. Inilibot niya ang paningin niyang nanlalabo na dala ng antok hanggang dumako iyon sa minibar sa sulok. Nakaupo si Jason sa mataas na stool at nakatalikod ito mula sa kanya. Base sa porma nito ay umiinom ito. Hinila niya pababa ang suot niyang T-shirt sa pag-asang kahit papano ay hahaba iyon, pero wala rin iyong epekto. Humugot siya ng malalim na hininga bago naglakad papunta kay Jason. Kaunting hakbang lang naman kaya laking pasasalamat niya na hindi siya nawalan ng balanse, kahit medyo nabubuwal na ang lakad niya. Walang katabing stool ang inuupuan ni Jason kaya tumayo na lang siya sa tabi nito. Nilingon siya ni Jason. Halatang nagulat ito nang makita siya. Namumula ang mukha nito pero hindi niya alam kung dala ba iyon ng kalasingan o ano. “Yoomi. Bakit gising ka pa?” Binigyan niya ito ng tipid na ngiti, pero hindi niya alam kung maganda pa bang tingnan iyon dahil sa estado niya. “Hindi ako makatulog.” Tumayo si Jason at hinawakan siya nito sa siko at inakay sa pag-upo sa stool. Lumigid naman ito paikot sa minibar at umupo ito sa stool sa likod ng counter. Kaya ngayon ay magkaharap na sila. Nagsalin si Jason ng alak sa baso nito at tinungga iyon. Napansin niyang hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata niya. Pasimpleng pinatong niya ang kamay niya sa counter. “Gabi-gabi ka bang naglalasing?” Inaalog-alog nito ang yelo sa baso nito. “Pampatulog lang 'to, Yoomi.” “Bakit, hindi ka ba makatulog?” Sinulyapan siya ni Jason. Ngumiti ito at umiling-iling. “Hindi mo magugustuhan ang sagot ko kaya 'wag ka nang magtanong.” Malakas ang pakiramdam niya kapag siya ang tinutukoy ng isang tao. At sa paraan ng pagtingin ni Jason sa kanya, halata namang gusto siya nito at nagpipigil lang ito dahil nirerespeto siya nito. Pupusta pa siya na kung may mananamantala sa kanila ngayon, siya 'yon. Iyon ang isang bagay na gustung-gusto niya kay Jason. Mataas ang respeto nito sa kanya kahit mahirap lang siya. Hindi ito mapilit sa mga bagay na gusto nito, lalo na pagdating sa kanya. Kung magiging tapat lang siya sa sarili niya, siguro ay matagal na siyang bumigay sa binata. Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ni Jason. “Jaso –” Bago pa niya maituloy ang sinasabi niya ay umungol na si Jason sa protesta, sabay bawi ng kamay nito mula sa kanya. Nasaktan siya sa ginawa nito. At napahiya. Parang nawala bigla ang kalasingan niya. Tumayo siya at tatakbo na sana pabalik sa kuwarto at magtago ro’n hanggang kainin siya ng lupa nang mabilis siyang pinigilan ni Jason. Hinawakan siya nito sa braso at marahang pinihit paharap dito. “Yoomi, I’m sorry,” sinserong sabi ni Jason. “I didn’t mean to be rude. Nabigla lang ako.” Bakit ba napakatapat ni Jason sa damdamin nito? Kitang-kita niya ang matinding pagsisisi sa mukha nito na hindi niya magawang magalit dito. “Okay lang, kasalanan ko naman. Sorry kung na-invade ko ang personal space mo.” Umungol sa protesta si Jason. Unti-unti rin nitong binitawan ang braso niya kahit nakikita niya sa mukha nito na ayaw na siya nitong bitawan. “Wala sa’kin 'yon, Yoomi, maniwala ka. But your touch... it burns me.” Nag-init ang mga pisngi niya nang maunawaan ang implikasyon ng sinabi ni Jason. Kung gano’n, umeepekto naman pala ang pang-aakit niya rito. Ngayong nakikita niya sa mga mata ni Jason kung gaano siya nito kagusto, nag-init na rin ang katawan niya. Ngayon lang siya tiningnan ng isang lalaki na parang gusto siya nitong hubaran nang hindi siya nakakaramdam ng pagkabastos. Dahil marahil sa kabila ng init sa mga mata ni Jason ay naroon pa rin ang matindi pero banayad na paghanga nito sa kanya. Hindi niya alam na puwedeng magsama ang pagnanasa at pagmamahal sa mga mata ng isang lalaki habang nakatingin sa babaeng gusto nito, pero si Jason ang buhay na patunay niyon. Kung isusuko niya ang sarili niya sa isang lalaki, kay Jason na 'yon. Gusto niyang maramdaman sa balat niya ang init ng tingin na ibinibigay nito sa kanya ngayon. Hindi niya alam kung may kinalaman ba ang kalasingan niya ang kamunduhang pumapasok sa isip niya, pero alam niyang hindi na niya malalabanan ang pagnanasang nararamdaman niya ngayon. Nag-aalangan man dahil masakit pa rin ang ginawang paglayo ni Jason sa kanya, naglakas-loob pa rin siyang hawakan ang binata sa braso nito. Magaang lamang ang pagkakahawak niya rito para hindi ito mabigla. “Jason... gusto mo ba ko?” Ngumiti ito ng pilyo. “Alam kong alam mong matagal na kitang gusto, Yoomi. Nang gabi pa lang na nakita sa tabi ng puntod ng kapatid mo, hindi ka na nawala sa isip ko.” Napalunok siya. Pabigat ng pabigat ang emosyong nakikita niya sa mga mata ni Jason. “Jason... paano kung sabihin kong gusto rin kita?” Halatang nagulat si Jason sa sinabi niya, pero nang makabawi ay ngumiti ito ng malungkot. Marahan nitong inalis ang kamay niya sa braso nito. “Yoomi, hindi mo kailangang gawin 'to. You don’t like me that way. It’s okay, I’m not asking for anything in return anyway.” Alam niyang dapat siyang ma-offend na pinagdududahan ni Jason ang sinabi niya, pero naalala niyang totoo ang lahat ng sinabi nito. Gusto niya ang binata, pero hindi siguro sing lalim ng damdamin nito para sa kanya. Bago pa niya namalayan ay tinalikuran na siya ni Jason. Hindi niya alam kung bakit nasaktan siya habang pinapanood itong lumayo. Ang alam lang niya, kailangan niya itong pigilan. Tumakbo siya at niyakap si Jason mula sa likuran. Pinalupot niya ang mga braso niya sa baywang nito at sinubsob niya ang mukha niya sa likod nito. Pasimpleng sininghot niya ang mabangong amoy ng binata na lalong nagpainit sa katawan niya. “Jason, buong buhay ko, pinigilan ko ang sarili ko na makuha ang mga gusto ko dahil inuuna ko parati ang pangangailangan ng pamilya ko. Lalo na pagdating kay Maricel noong nabubuhay pa siya.” Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya kay Jason nang mapaiyak siya nang maalala ang kapatid niya. “Nasanay kasi ako na inuuna ang lahat ng tao sa paligid ko. Pinigilan ko rin ang mapalapit sa’yo dahil natatakot ako na baka kapag nasanay ako na nasa tabi kita, bigla kang mawala sa’kin. Pero alam mo kung ano? Sa bawat pitong araw sa bawat linggo ko, 'yong araw lang na binibisita mo ako ang pinakagusto ko.” Narinig at naramdaman niya ang paghigit ng hininga ni Jason. Hindi niya alam kung bakit nasabi niya ang mga 'yon. Pero lumuwag ng kaunti ang bigat ng kalooban niya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Natigilan lang siya sa pagmumuni-muni nang pumihit paharap sa kanya si Jason at bigla na lang siya nitong siniil ng mariing halik sa mga labi. Mapangahas at nagbabaga ang mga halik nito. At ang mga kamay nito, mabilis na naglakbay sa katawan niya. Ang bawat halik at haplos nito, pinagliliyab ng husto ang katawan niya. Ipinalupot niya ang mga braso niya sa leeg ni Jason at tinugon ang mga halik nito. Pilit niyang sinabayan ang paggalaw ng mga labi nito, kahit alam niyang hindi siya makasabay. Iyon kasi ang unang halik niya. Ngumiti si Jason sa gitna ng paghahalikan nila. “I’m your first kiss?” Lumabi siya. “Oo. Ano naman ngayon?” “Aw, that’s so cute,” naaaliw na sabi ni Jason habang hinihimas-himas ang likod ng ulo niya na para siyang tuta. “I’ll teach you everything you should know about kissing. And about...” Hinapit siya nito sa baywang at kinabig palapit dito. “This.” Lalo yatang nag-init ang mga pisngi niya nang may maramdamang matigas sa sikmura niya. Bago pa siya nakapagtanong ay hinalikan na uli siya ni Jason sa mga labi at sa pagkakataong iyon, marahan na siya nitong itinutulak papunta sa kuwarto. Marahang tinulak siya ni Jason sa kama, pagkatapos ay pumatong ito sa kanya. Patuloy ito sa paghalik sa kanya hanggang sa bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Dinilaan nito ang sensitibong bahagi ng tainga niya na nagpaungol sa kanya. “Hmm. You like that,” tila naaaliw na bulong ni Jason sa tapat ng tainga niya. Pero sa pagkakataong iyon, tila hirap na rin ito sa paghinga. “Yoomi, sigurado ka bang gusto mong magpatuloy tayo?” Lumunok siya. Kunuha niya ang kamay ni Jason na nakapatong sa hita niya, at pinatong iyon sa kanang dibdib niya. Hindi niya inaalis ang tingin niya rito kaya kitang-kita niya kung paano lalong nagdilim ang mga mata nito sa pagnanasa. “Puwede ba?” Umungol si Jason at muling sinakop ang mga labi niya sa mas sensuwal at mas mapusok na paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD