Chapter 14

1536 Words

“Magandang araw, Manang Liling,” bati ni Karylle sa katiwala ni Kurt nang makarating sila sa resthouse ng huli. “Buti, nakabalik ka dito, hija.” Masayang salubong ni Manang Liling sa kanila. “Oo nga po, eh,” kiming sagot ni Karylle. “Ikaw naman kasi, Kurt,” sita ni Manang Liling kay Kurt saka tinampal ng malakas. “Dapat hindi mo iniwan si Karylle dito!” “Aray, Manang. Sorry na nga, nagka-emergency lang,” rason ni Kurt. “Emergency, emergency. Buti na lang hindi mahilig magwala tong si Karylle dahil kung nagkataon, naku, ewan ko na lang sayo, Kurt.” Sabi pa ni Manang Liling. “Hindi naman ako ganun, manang. Kahit wag na niya akong balikan kaya ko naman ang sarili ko,” sabi naman ni Karylle. “Babe, kahit aalis ako, ikaw pa rin ang babalikan ko,” sabi ni Kurt sabay hapit ng bayw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD