Two weeks had past and Karylle could say that she's enjoying her stay at Kurt’s resthouse. Sobrang nag-enjoy siya to the point na parang ayaw na niyang bumalik sa metro. Wala lang naman silang ibang ginawa kundi mamasyal sa mga tourist spots at kapag tinamad ay nagkulong lang sila sa kwarto. Hindi rin nakatulong si Karylle sa mga gawaing bahay kay Manang Liling dahil agad siyang sinisita ng lalaki. At kapag komontra siya ay isang matamis na parusa ang ibinigay sa kanya. Pero kailangan na nilang bumalik dahil tinawagan si Kurt ng ama niya. Kailangan daw siya nito sa kumpanya. Kaya ito sila ngayon, sakay ulit sila ng sasakyan ng lalaki pabalik sa Metro Manila. “I'm sorry, babe. Hindi ko mahindian si daddy. Siya na lang ang meron ako,” sabi ni Kurt sa kanya. “I thought may kapatid ka?

