Episode 18 Tristan Deib Saffiro Nandito lang ako sa balcony, nakaupo habang sumisimsim ang aking kape. Wala kasi akong magawa ngayon. At saka hinihintay kong dumating si Ashley para ayain siyang mamasyal sa may burol. Ilang araw na rin kasi siyang hindi napaparito. At tila parang may kulang sa akin pag hindi ko siya nakikita o nakakasama man lang. Sa dalawang araw na hindi ko siya nakikita tila ba’y namimiss ko siya. Yung kakulitan niya at ang masarap niyang pagtawa. Patuloy ko nang nararamdaman na nagkakaroon na ako nang pagtingin kay Ashley. Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan. She is adorable that can attract a man. Tumambay pa ako ng ilang minuto at naisipan kung kunan ang phone ko para tawagan si Ashley. Dinial ko na ang number niya nakatatlong ring bago niya sinag

