Episode 25 Ashley Buenaventura Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay dahil may trabaho ako ngayon sa karinderya, at mamayang gabi naman may gig ako sa isang resto bar. Nag-ayos na ako at umalis na para pumasok sa trabaho. Habang naglalakad ako naisipan kung kuhanan ang phone ko sa bag para tingnan kung may text ba si Tristan. Hindi ko na kasi siya nahintay gabi dahil kailangan na ring magpahinga ni Inay. Pero nagulat ako ng makita ko kahit isang message man lang ay wala siya. Kahit man good morning wala siyang mensahe, nagtaka ako dahil araw-araw nag-iiwan iyon ng message sa akin. Hays baka busy lang siguro iyon puntahan ko na lang siya bukas tutal day off ko naman. Kaya may time ako para makabonding ulit siya. Nang makarating na ako sa pinagtatrabahuan ko ay nagbihis na ako at sin

