Episode 15 Ashley Buenaventura Nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Tristan. Malayo-layo rin kasi iyon dito sa baryo namin. Kaya naman mga isa at kalahating oras din ang biyahe. Hindi pa kami nanananghalian, at nagrereklamo na rin kasi yung tiyan ko. Tumunog ng malakas ang tiyan ko sa sobrang gutom kaya naman napatingin sa gawi ko si Tristan. "Okay ka lang ba? Gutom ka na ba?" tanong niya sa akin na parang may bahid ng pag-aalala ang kanyang mukha. Tila ba ay parang may umuusbos sa akin na kaunting paghanga. Sa kanyang mga ginagawa. "Oo hehe," nahihiyang wika ko sa kanya. "Sige mag-drive thru na lang tayo," sambit niya at tumingin ng malapit na drive thru. Habang ako ay nakaupo lang dito sa passenger seat at nagtitingin-tingin din sa paligid na puwede naming pagbilhan. Tulad n

