Episode 36 Ashley Buenaventura Kinaumagahan nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Kaya naman tumayo na ako at niligpit ang pinaghigaan ko at nagtungo sa banyo para maligo. May trabaho ako ngayon at kailangan ko pang makausap si Tita. Tungkol sa pag eenroll ko doon sa sinasabing school ni Ate Riza. Kaya naman pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina sakto namang nandoon pa si Tita. "Good morning Tita," bati ko sa kaniya. "Oh Good morning hija, tamang-tama at nakahanda na ang almusal," sabi niya sa akin. At umupo na siya sa isang bakanteng upuan na nasa harapan ko. "Ahm Tita, may tatanong lang po sana ako," nahihiyang sabi ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kaniya lalo na't kakaumpisa ko pa lang sa trabaho. "Ano iyo

