Episode 20 Ashley Buenaventura Hindi ko alam kung bakit inaya ako ni Tristan kanina...e kasama niya naman ang mga kaibigan niya para maggala pero okay na rin iyon para kasama ko rin siya. Nandito ngayon ako sa bahay nakahiga pagkatapos naming mag-usap ni Tristan kanina ay umuwi rin ako agad. Habang nakahiga ako sumagi na naman sa isip ko iyong moment namin ni Tristan kanina. Muling nanumbalik ang mabilis na pagtibok ng aking puso ng dahil sa lalaki na iyon. Una ko pa lang maranasan na ma-inlove sa isang tao. At tila ito ay napakasarap sa feeling ngunit nakakalungkot isipin na hindi kami pareho ng nararamdaman namin para sa isa't isa. Hays, ba't ba ako nahulog sayo Tristan, nakakainis ka kasi ang gwapo mo at masyado kang pa-fall iyan tuloy nahulog na ako sa ilang buwan naming pagsasama

