"Ano pala ang dahilan at humihingi ka ng tulong?" tanong ni Cres kay Stella habang naglalakad sila sa kakahuyan ng Oppidum Exspiravit. "Ang totoo kasi niyan isa akong isinumpang exspiravit," sagot nito at saka ngumiti. Napatigil sa paglalakad si Cres dahil sa tinuran nito. "Anong ibig mong sabihin?" Napatigil din ito sa paglalakad at nilingon siya nang mauna ito sa kaniya sa paglalakad. Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ang mahaba nitong buhok habang mababakas ang lungkot sa mga mata nito sa kabila ng matatamis nitong ngiti sa labi. "Umibig ako sa isang anima reconciliatrix," panimula nito, "at dahil doon, isinumpa akong mananatiling buhay hanggang hindi ko natatagpuan ang taong magmamahal sa akin at mamahalin ko ng lubusan. Doon lang ako tuluyang mananahimik." "Hindi ko mainti

