Nitidus’ POV "MGA INUTIL!" bulyaw ni lolo matapos bumalik ang kaniyang dalawang tauhan kabilang na roon si Pecunia. "Hindi ba't sinabi kong huwag kayong babalik dito nang wala sa inyo ang kwintas!" tiim bagang na wika niya. "Master Adamas, ipagpaumanhin n’yo po subalit, hindi namin kakayanin ang lakas ng pwersang pumapaloob sa Valle Mortis," matapang na saad ni Pecunia habang nakayuko. Isang malakas na sampal naman ang kaagad niyang natanggap mula kay lolo na labis kong ikinagulat. "Ang sabihin mo ay naduwag ka!" galit pa ring wika ni lolo bago tumalikod at nagsimulang maglakad. "Patayin ang dalawang 'yan," walang awang utos ni lolo kasabay ng pagpasok ng ilang tauhan. "Sandali, Master Adamas, may mahalaga akong impormasyong dala-dala," mabilis na sabi ni Pecunia kung k

