Habang naglalakad sila Nitidus at Pecunia sa pasilyo ng palasyo ay isang nilalang ang humarang sa kanilang daraanan. Nakasuot ito ng robang itim na nababalutan ng apoy at walang naaaninag na mukha sa ulunang bahagi ng kasuotan nito. "Sino ka? Magpakilala ka!" matapang na tanong ni Pecunia. "Ako ang katapusan at wakas. Ako ang kikitil sa mga buhay ninyo." Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang tinig nito. Nakakakilabot at nakakatindig balahibo. Hindi maisip ni Nitidus ang dapat na gawin lalo na at alam niyang buhay nila ang maaaring kabayaran ng maling hakbang nila. Kasunod no'n ay ang nagbabagang apoy na lumabas sa mga palad nito. Inihagis ito ng huli sa direksyon ni Pecunia na siyang nailagan naman nito. Naging dahilan ito ng pagkawasak ng pader na tinamaan nito. Halos naabo ang kabu

