Acutus’ POV “Ginoong Lux, mayroon akong hindi naiintindihan sa mapang ito.” Hawak ko ngayon ang mapang magtuturo sa amin sa mga posibleng kinaroroonan ng mga kailangan namin at pinag-aaralan ito nang mabuti. “Ano naman ang magulo sa mapang iyan?” tanong niya. “Nawawala ang isang tanda sa mapa,” tugon ko. Kaagad namang lumapit sa akin si Ginoong Lux at gayon din si Immitis. Tumingin sila kapagkuwan sa mapa at maski sila ay nagtaka. “Oo nga ano? Nakapagtataka nga?” Pinagkrus niya naman ang kaniyang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. “Hindi kaya, nasawi na ang may hawak ng isa sa mga yaman ng inyong angkan?” hula naman ni Immitis. “Kung mamamatay man ang tagapangalaga, mananalita ang marka sa kinaroroonan nito. Maliban na lang kung mapapasakamay ito ng iba,” sa

