Pagdating sa office ay halos hindi na ako nakapagpahinga. Sunod-sunod iyong clients, may hearing preparation pa ako para kinabukasan, at halos dalawang beses akong napagalitan ni Attorney Gomez dahil mali raw iyong format ng isang draft ko kahit pareho lang naman sa dati. “Attorney Silvallana.” Napatingala ako mula sa laptop ko. Nakatayo sa harap ko iyong intern naming si Bea habang may hawak na folder. “Pinapababa raw po kayo ni Attorney Gomez.” Napapikit ako. “Mukha pa ba akong buhay?” Bahagya siyang natawa. “Konti na lang po.” “Ramdam ko nga.” Maya-maya pa ay bumaba ako sa conference room habang hawak iyong ilang documents. Mainit iyong ulo ko buong hapon at pakiramdam ko ay sasabog na utak ko sa dami ng ginagawa. At mas lalo lang lumala nang biglang tumunog iyong cellphone

