Pagka-uwi namin galing sa mall ay tumambay pa si ate at Manang Flor sa kwarto ko. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita na tatlo. Parehas kasi kami ni ate na super close kay Manang Flor dahil nga siya na rin ang lagi naming kasama. Lahat nga ata ng naging crush ni ate kay kilala niya. kapag may secret kasi kami ay saming tatlo lang din. Sa totoo lang, mas komportable pa nga akong kasama si manang kaysa kina mama at papa. Pero mahal ko naman silang lahat. Ang dami pa naming napag-usapan at napag-kwentuhan. Gusto ko na nga talagang magpahinga ng mga oras na ‘yon pero nawala rin ang pagod at antok ko dahil sa kwentuhan namin. Hindi ko nga alam kung anong oras namin naisipan na magpahinga. Kaya naman kaninang paggising ko ay sobrang tinatamad akong bumangon. Siguro kung hindi pa ako ginis

