Chapter 59

2235 Words

“Guys, dumating na ‘yong makeup kit from Mystic,” excited na sabi ni Deborah. Dahil do’n ay agad silang nag-kumpulan sa gitna para tignan ‘yong bagong dating na makeup kit. No’ng nakaraang linggo kasi ay naka-collaborate namin ang Mystic, isa sa mga sikat na makeup brand dito sa bansa. At bilang pasasalamat nila ay nagpadala sila ng sample ng bagong labas nila na makeup. “Buti nagbigay sila ng sample, gusto ko talagang ma-try ‘yong lipstick nila,” masayang sabi naman ni Jessica habang tinitignan ‘yong kit. “Cheska, tara rito, kuha ka rin ng para sa’yo,” yaya sa akin ni Debb kaya naman lumapit agad ako sa kanila. Wala sana akong balak na kumuha dahil hindi ko naman magagamit pero inabutan na nila ako kaya naman tinanggap ko na lang din. Sa totoo lang ang dami ko ng makeup sa apartment.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD