“Anong ginagawa mo?” Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko hindi dahil sa kilig, kung hindi dahil sa gulat. Mabuti na lang talaga at walang ibang tao dahil napasigaw pa ako. Nakakaloka naman kasi ‘tong si Sir Alexander, bigla-biglang nagsasalita. Hindi ko rin namalayan ‘yong paglapit niya. “S-sir, akala ko nakauwi na kayo,” gulat na sabi ko pa. Ang aga niya kasing umalis kanina kaya naman akala namin ay umuwi na siya. Imbes na sumagot ay hindi naman siya nagsalita at bigla na lang akong hinatak papunhta sa opisina niya. Babawiin ko pa nga sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya kaya lang ay mas malakas siya kaysa sa akin. Nagtataka man ay sumunod na lang din ako sa kanya. “Don't you worry that it might become infected?” tanong niya kaya naman napatingin ako sa daliri ko na may na

