SA NAKALIPAS na araw na pagtuturo sa amin ay magagamit ko na rin ngayong araw. Heto na ang araw na magiging waitress rin kami sa Flavor of the Month. Bigla na akong kinabahan dahil heto na talaga ang totoong work ko as waitress. Kukuha na ako ng order at magbubuhat na rin. “Hey, Elle, kinakabahan ka! Halata sa mukha mo, huwag mo ng itanggi!” Tinapik ako ni Yvonne. Napalunok ako sa kanyang sinabi. “H—halata ba talaga na kinakabahan ako?” tanong ko sa kanya at tinuro ang aking sarili. “Oo! Huwag ka ngang kabahan. Isipin mo lang iyong mga tinuro ko sa inyo last week! The more na kinakabahan ka, baka makabasag ka pag ng glass and plates. Sige ka, mababawasan ka agad ng sasahurin next month!” pananakot niya sa akin. Sunod-sunod akong napalunok sa kanyang sinabi. “Hehe. I will do it proper

