SATURDAY has come. Maaga pa lamang ay naglilinis na kaming lahat, maging ang barkada ay tumulong para maglinis sa bahay namin. Ngayon ang araw ng pagpunta ni Quillon sa amin, makikilala na rin niya ang buong taong mahalaga sa akin, maging sina tita Cynthia, tita Nikita, and tita Zandra ay nandito na rin. Lahat ay tumutulong para sa akin. Nakatingin ako sa bahay namin, sobrang linis na dahil tinulungan nila akong lahat. "Hoy, Elle, balisa ka dʼyan! Maayos na ang lahat! Iyong boyfriend mo na lamang ang wala pa! Nasaan na raw siya?" tanong sa akin ni Nikki at tinapik pa niya ako. "Excited na rin akong makita siya sa personal kahit nagpakilala na siya sa amin thru online! Hindi naman siya mukhang matanda!" "Totoo, Zon! Saka, hello, uso na ngayon ang matured guy para sa mga katulad nating ba

