HINDI ako makapaniwala sa sinabi ni Quillon sa akin kanina. May gusto siya sa akin at liligawan niya ako. Seryoso ba siya? Kasi ang laki ng agwat ng age naming dalawa. Iʼm turning twenty years old and siya, I donʼt know. Hindi ko siya naitanong about his age. “Elle, are you okay?” “Ha?” takang tanong ko kay Bianca nang makita ko siyang nasa harapan ko na pala. “Sabi ko kung ayos ka lang ba? Tulala ka kasi, may nangyari ba? May sinabi ba si Mr. Zobel sa iyo?” Napalunok ako sa kanyang sinabi. “Um, nope! May nabasa kasi ako sa group chat namin... Miss Poppy didnʼt won as Ms. Maravilla University,” sabi ko sa kanya. “N—nalungkot ako for her and sa Colleges namin. I mean, akala namin mananalo muli si Miss Poppy, her fourth crown niya sana.” Pinakita ko sa kanya ang news sa group chat nami

