EXOTIC GIRL 10

1334 Words
Pagbalik ko sa aming table ay Top 3 na. Emcee: It is really a tough fight between our 10 lovely candidates. From their Introduction Number, to Casual Wear, Talent Portion, Swimwear, and Evening Gown...Students of Santa Barbara Comprehensive School, who do you think will be included in our Top 3??? No. 1.. No. 3... No 5... No. 2 No. 6... No. 2...Anaya.... Go! go!go! Anaya... No. 1...Ronila... Go! go! go! Ronila... No. 2.... Emcee: It seems na maraming fans si Candidate No. 2. Okay guys, please settle down. I will announce our Top 3 .... In no particular order. Please step forward when I call your number, ladies. Okay....You are in.....Candidate No. 5..Miss Maria Nerissa de la Vega.. Congratulations..Please step forward Candidate No. 5. Thank you. Okay guys, our next contestant is.......Candidate No.???.... Candidate No. 6, Miss Mia Angelique Hernandez. Congratulations. Thank you Candidate No. 6, please step forward. And now, to complete our Top 3...Please step forward.. Candidate No.???..... Candidate No. 1, Miss Ronila Capili.. Congratulations.. Please step forward Candidate No.1. Thank you. Now, our Top 3 is complete. Congratulations ladies. Clap! Clap! Clap! Clap! Clap! Clap! Nang makompletong ihayag ang Top 3 ay nagulat ako. Hindi man lang nasama si Candidate No. 2. Nawalan na ako ng ganang manood. Inaantay ko na lamang na matapos ang pageant. Nang itinanghal si Ronila na bagong Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005 ay hindi ako masaya. Kahit na kapatid ko siya ay hindi siya karapat dapat manalo sa pageant. Mas okay pa nga ang isang nanalo. Emcee: What a wonderful evening. My heartfelt gratitude to our 10 lovely candidates. Indeed you made this pageant a spectacular event. Boo... Boo.. Boo! Boo! Napapalatak lamang ako dahil kahit ang ibang mga manonood ay panay ang, Boo! Hindi din sila natuwa sa kinalabasan ng pageant. Hindi na ako nakihalubilo sa picture taking. Iba ang nais kong gawin bago ako umuwi ng mansiyon. *** *** *** Nang tinawag ang Top 3 ay talagang nalungkot ako. Gusto ko nang bumaba ng stage at magpapalahaw ng iyak. Kahit na parang inaasahan na namin na si Ronila ang mananalo ay masakit pa rin sa akin dahil talagang pinaghandaan ko ang pageant. Parang nawalan ng saysay ang pinaghirapan namin ng isang buwang practice ni Mama Baby. Kanina sa gilid ng stage ay nakatingin si Mama Baby sa akin at iminumuwestra ang mukhang panatilihin ang ngiti sa aking mukha kahit hindi ako nanalo. Kaya kahit pilit ay kuntodo ngiti pa rin ako. Nang sa wakas ay picture taking na ay bumaba na rin ako ng makita kong naunang nagsialasan na ang ibang natalong kandidata. Pagbaba ko sa backstage ay sumalubong kaagad sa akin si Nanay Lucia, Manang Inday, Mama Baby, si Julia at Miana. May iba ding manonood na nag congratulate sa akin kahit talo ako. Doon parang nabawasan kahit paano ang sakit na naramdaman ko dahil sa pagkatalo. Nauna nang nagpaalam si Julia at Miana. Masama ang loob ng dalawa dahil hindi nila inaasahan na sa sobrang galing ko daw pero hindi man lang ako nasama sa Top 3. Kahit nga ang iba naming mga kaklase na nanood ay proud na proud sa akin. Tuluyan ang pumatak ang aking luha at yumakap sa dalawa. Natuwa ako na suportado din ako ng aking mga kaklase. Pinuntahan din ako ni Ma'am Airis at proud na proud siya sa aking performance. Hindi nga sila makapaniwala na ako ang nasa stage. Parang gamay ko na daw ang pagrampa. Ngayong gabi kahit na natalo ako ay natuwa din ako dahil nalaman kong may mga tao akong napahanga at bumilib sa kakayahan ko sa pagrampa. "Congratulations!" bati ng isang boses sa akin. Nakatayo lang ang isang lalaki sa tabi ni Mama Baby. "Thank you." nagulat ako sa pagsulpot niya. "Can I hug you?" nagdadalawang-isip na tanong nito. "Ah.. O-kay, Johnson." Lumapit eto sa akin. Binigyan niya ako ng bouquet of roses. Ah kaya pala nagtatago siya sa gilid ni Mama Baby dahil may dala siyang bulaklak. Natouch naman ako sa kanyang ginawa. Parang sumikdo tuloy ang aking puso. Pagkabigay ng bulaklak ay niyakap niya ako. Hindi ko naman maiwasang kiligin. "Anaya, mauna lang kami sa labas ha. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo at may nag-aantay na traysikel sa labas. Sabay sabay na tayong umuwi ng Manang Inday at Mama Baby Mara mo. May ilan din tayong mga kapitbahay na nanood pala pero nauna nang umuwi, tuwang tuwa sila sa'yo." sabi ni Nanay Lucia. Nakatingin lang eto kay Johnson pero nagtatanong ang mata. "Lucia, hayaan na muna natin sila at nagdadalaga na yang anak mo. Anaya, palitan mo na 'yang gown mo at aantayin ka namin sa labas ha. Andito na sa bag ang damit ha. Maiwan na muna namin kayo," paalam ni Manang Inday. Lumabas na silang tatlo para mag-antay sa traysikel. "J-johnson, tenk you por support.. " nginitian ko si Johnson. Kung dati ay pautal utal ako, ngayon pinipilit ko talagang magsalita kahit mali mali. 'Yon ang turo sa akin Mama Baby para masanay daw ako. "You've improved. That's nice to hear. You know, you're so lovely tonight. I can't help staring at you the whole time." ngumiti eto ng napakatamis sa akin. Natuwa naman ako at feeling ko ay pinamulahan ako ng mukha. "Can I kiss your cheek?" inginuso pa nito ang aking pisngi. "Promise, only your cheek." itinaas pa nito ang kamay bilang tanda ng promise. "Okay. C-cheek onli.." sumang-ayon na ako tutal pisngi lang. Nang akmang malapit na ang mukha nito sa pisngi ko- Blag!! "Hey! Watch your step man." nabunggo eto isang matangkad na lalaking naka-jacket. Nagmamadali ang lalaki. "Opsss.. I'm so sorry ma-" "Johnson.. You're here.. Did you watch the pageant? Did you like my performance? " biglang sumulpot si Ronila. "Ronila, I'm looking for this gu-" "Anaya, you look fabulous tonight. Ang galing galing mo kanina. Hindi ako makapaniwala na hindi ka nakasama sa Top 3. You're more deserving than Candidate No. 5," lumapit eto sa akin at nakipag beso beso. Nagulat naman ako sa aksiyon ni Ronila. Nawala na ang focus namin ni Johnson sa nakabangga sa kanya. "Johnson, I think Anaya was stunning tonight. I couldn't believe that she was not even in Top 3. Don't you agree?" himala 'ata at pinuri ako ni Ronila. "Yup, she's stunning," nakangiti si Johnson at nakatingin sa akin. Nakita kong napaismid si Ronila pero saglit lang. Baka namalikmata lang ako. "Anaya, congratulations to you also even if you didn't make it. Anaya, I think this is little bit late but.. Can we be friends? I've done so many horrible things to you since we we're kids-" "You know each other since you were kids?" takang tanong ni Johnson kay Ronila. "Yup ! Anaya and her mom was our housekeeper before. She's a good girl. But you know, I'm still young that time that's why I'm a little b***h sometimes." tumawa pa eto ng mahinhin. "Ah excuse lang ha magbabanyo lang ako at magpapalit lang sana ako ng gown." paalam ko sa kanilang dalawa kahit na ayaw ko pa sana. Mukhang gumagawa ng paraan si Ronila na makuha talaga ang atensiyon ni Johnson at gusto pa akong ipahiya sa pagsasabi na katulong nila kami dati. "Sige Anaya ako muna ang bahala kay Johnson. Johnson, can you please help me find my brother, he's supposed to be here." inilingkis na kaagad ni Ronila ang kanyang braso sa braso ni Johnson at inaya palayo sa akin. Wala nang nagawa ang binata kundi magpatianod na lang kay Ronila. Habang ako naman ay lumabas na ng auditorium dahil andaming estudyante na nakapila sa banyo para umihi. Magpapalit lang naman ako eh. "Okay na siguro kahit magtago ako sa puno acacia." bulong ko sa aking sarili. Pumunta ako sa likod ng library dahil alam kong maraming puno ng acacia dun. Pwede akong mag tago doon dahil madilim at malayo layo din yon sa auditorium kaya walang may makakakita sa akin kung magbibihis man ako. Bibilisan ko lang dahil kanina pa nag aantay sina Nanay Lucia sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD