“Rodolfo, hijo, I’m glad na bumisita ka dito. Ilang beses na kitang inimbitan na magbakasyon dito,” turan ni Senyor Roberto kay Rodolfo.
Nasa hapagkainan silang lahat at naghahapunan. Si Madam Carmina ay tensiyonado habang kumakain. Si Ronnie at Ronila naman ay nagtataka kung sino ang lalaking kasalo nila sa malaking hapagkainan.
“Papa, who’s he?” si Ronila ang naunang nagtanong kay Senyor Roberto. Hindi mapigilan ang kuryusidad. Hindi sila basta basta nagpapasabay sa hapagkainan tuwing kakain sila. Tiningnan nito ang lalaki na naka puwesto sa kanyang harap.
Tiningnan din siya ng matiim ng lalaki. Hindi niya nakayanan at umiwas na lamang siya.
“Ronnie, Ronila.. Uhm.. Eto na siguro ang tamang panahon para malaman niyo ang totoo. Si Rodolfo ay anak ko. Siya ang panganay kong anak sa una kong asawa, si Venus Villarica. Hindi ko lamang nasabi sa inyo dahil nagkalayo din kami matapos mamatay sa aksidente ang kanyang Mama. Let's say na hindi maganda ang aming relasyon dati. But eventually he's here now."
Tumingin eto kay Rodolfo.
"Rodolfo sana mapatawad mo ako sa nangyari sa Mama mo. I know na malaki ang pagkukulang ko sa 'yo. Bata pa ako noon at hindi pa masyadong nag-iisip ng tama. Sana ay magkasundo tayo. At sana din pakisamahan mo nang maayos ang iyong mga kapatid," tanging nasambit ni Senyor Roberto.
"Papa, I will only stay here for a month. After that let's see kung kelan ulit ako babalik." umiwas etong sagutin ang paghingi ng tawad ni Senyor Roberto.
"Okay, since andito ka naman why not help me in our business. Kakagraduate mo lang and magagamit mo ang iyong pinag-aralan sa ating negosyo." bukas ni Senyor Roberto.
"Papa, I'm not here for business. Gusto ko lang mag-unwind. Siguro.. I'll try to visit some of our businesses here just to check. In the future I know that I'm the one who will manage it." kibit balikat niyong sabi.
"Okay. By the way, may gaganaping pageant sa susunod na Linggo at isa ang kapatid mo sa kasali. Isa din ako sa mga hurado kaso may pupuntahan akong engagement kasama ang Mama Carmina mo kaya hindi ako makakadalo. You can replace me. Para na rin hindi ka mabored dito sa Santa Barbara." pakiusap ni Senyor Roberto kay Rodolfo.
" I'll think about it. "
" Or just be there if you don't want to replaced me as a judge. I'm one of the Board of Directors of SBCS kaya dapat andun ako. "
" I'll think about it, Papa. "
Wala na silang nagawa nang tinapos na ni Rodolfo ang kanyang pagkain.
Nauna nang umalis sa hapagkainan si Rodolfo. Pumunta na eto sa kanyang kwarto sa pangalawang palapag. Sa dati pa rin niyang silid siya tumuloy. Nasa dulo iyon ng pasilyo katabi ng dating kwarto ni Don Ramon at Donya Luzviminda. Na ngayon ay kwarto na ni Senyor Roberto at Madam Carmina.
Maya maya ay nagbihis ang binata at bumaba. Pupunta muna siya ng bayan at bibili ng mga kakailanganin sa isang buwan niyang bakasyon sa mansiyon.
**************
(Egyptian music playing in background)
"Lambutan pa sa ganyang part."
"Okay... Up.. Down.. Hips move.. Shake your hips.. Ang kamay Anaya."
"Yan, go Anaya. Woah. Ang galing galing talaga ng Anaya namin." pumapalakpak at tumitili pa si Mama Baby Mara.
"Parang hindi halatang kinse ka palang. Buti talaga ang ganda ganda at ang seksi seksi mo. Naku kung naging babae lang ako at kasingganda at kasengseksi mo baka nabuntis na ako." malanding sabi Mama Baby Mara.
"Masama daw po 'yan sabi Nanay Lucia at Manang Inday. Ang mabuntis ng walang asawa."
"Nakow maniwala ka diyan sa Nanay at Manang Inday mo. Haha. Joke lang baka sabihin nila tinuturuan kita ng masama. Pero totoo' yon. Huwag kang mag boyfriend muna at baka mabuntis ka katulad ng mga kabataan ngayon. Alam mo dati maldita din talaga ako at mapanglait lalo na pag maiitim ang aking nakikita. Pero noong makilala ko ang Nanay Lucia mo at nalaman ko ang kuwento niya para akong nakonsensiya. Tapos napalapit na din ako sa 'yo dahil napakabait mo ding bata. Hindi ka katulad sa iba na pariwara. Talagang pinalaki ka ng maayos ng Nanay Lucia. Kaya nga I'm proud of you." nag drama na ang Mama Baby Mara.
"San pala tayo kukuha ng damit para sa pageant Mama Baby? "tanong ko kay Mama Baby Mara. Nasabi ni Ma'am Airis na kami pala ang bahala sa lahat pati damit.
"Wag kang mag-alala at marami ang Mama Baby mo. Basta focus ka lang sa pageant ha. Tapos na ang break, last practice na at bukas ulit. Galingan ha dahil next week na ang pageant."
"One more time. From the start...."
"Introduction, Anaya," sigaw ni Mama Baby Mara.
"Good evening ladies and gentlemen my name is Anaya Vijar. I'm fifteen years old. Representing 4th year Section 2." ginaya ko ang turo ni Mama Baby Mara.
"Okay.. good.. good.. Next.."
" Very good.. Go to the left.. In the middle.. Put the ball on your waist.. Up.. Again on your waist.. Go to the right.. And go back.."
"Perfect! Next.. Talent... Anaya.. Walang mali dapat.."
(Egyptian music playing in background)
Clap! Clap! Clap!
"Bravo!"
"Next... Evening gown... "
"Slowly Anaya... Count one, two sa isip mo.. Okay, to the right... Slowly... to the left.. slowly walk... to the center.. pause.. smile, don't show your teeth.. Turn around.. And go to the back...
Clap! Clap! Clap!
"Bravo!"
"Ang galing galing mo talaga Anaya." napapalatak na sabi ni Mama Baby Mara.
"Pag hindi ka pa talaga nasama sa Top 3, ewan ko nalang. Isusumpa ko ang eskwelahan niyo. Boo! Boo! Santa Barbara Comprehensive School, boo..boo.. Kaya ayos ayusin nila. Kahit umabot ka lang muna sa Top 3 dahil mahina ka sa Q & A." sabay kaming nagtawanan.
" Sige Mama Baby, uwi na ako. Gabi na eh. Napasarap ang ensayo natin ngayon. Bukas ulit. Maraming salamat. " niyakap ko muna si Mama Baby bago lumabas ng kanilang bakod na kawayan.
Sa may harap ay hindi nila napansin ang isang nakaparadang sasakyan. May isang pares ng mata na kanina pa tuwang tuwa na nanonood sa dalagita. Ibinaba pa ng kaunti ng nasa loob ang kanyang bintana para marinig kong ano ang sinasabi ng dalagita.
For goodness sake, dalagita pa lang yan. At gumuhit ang isang pilyong ngiti.
SANTA BARBARA COMPREHENSIVE SCHOOL. Huh!
Okay!