Milan, Italy Pagkarating ni Amira at Mortem ay sumakay na sila isang sasakyan na dinala para sa kanila. Bago pa man sila makapunta sa Italy ay inayos na ni Tim ang kanilang hotel na pag-stay in at sasakyan na gagamitin. Si Mortem na ang nagmaneho patungo sa Westin Palace, isa sa mga sikat na hotel sa Milan. “Milady, once we get there, rest muna tayo?” ani Mortem at bahagyang sumulyap sa asawa. Bahagya namang natawa si Amira, alam na ang pina-plano ng asawa. “Rest ba talaga, baby? Baka may iba ka pang gustong gawin,” pang-aasar niya. Napanguso si Mortem at hinablot na ang kamay ni Amira, ang isa niyang kamay ay nakahawak naman sa manubela. “P’wede rin kung gusto mo,” panglalambing niya saka hinalikan ang mga buko ng daliri nito at ibinalik din agad ang paningin sa kalsada. “Love,

